Anne Curtis at Solenn Heussaff, Sabay na Pumasok at Naging Magkaklase sa Isang ‘Parenting Class’!




Tuwang-tuwa ang buong pamilya at mga kaibigan nina Anne Curtis at Solenn Heussaff dahil sabay silang dalawa sa kanilang pagbubuntis. Kaliwa’t kanan rin ang natatanggap nilang pagbati mula sa mga netizens na mas excited pa ngang malaman at makita kung ano ang kasarian ng kanilang magiging anak. 

Ito ang unang pagbubuntis ng mag-hipag kaya naman ginagawa nila ang lahat para masigurong magiging ligtas at malusog ang mga bata sa kanilang sinapupunan. Nariyan ang pagkain nila ng masusustansiyang pagkain pati na rin ang tamang ehersisyo sa araw-araw. Hindi rin mawawala ang panalangin ng dalawa na sana ay maging maayos ang kanilang pangaganak lalo na at ito ang kauna-unahang pagkakataon na sila ay magluluwal ng sanggol. 

Samantala, kasama sa paghahanda nila sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang isang ina ay magkasama sina Anne at Solenn na dumalo sa isang ‘parenting class’ noong nakaraang linggo ika-19 ng Nobyembre sa Quezon City.


Ang klase na ito ay isinagawa ng ‘The Parenting Emporium’ at dito natutunan ng dalawa kasama ang iba pang mommy-to-be kung papaano ang tamang pag-aalaga sa bata at ilan pang mahahalagang bagay na kailangan nilang malaman sa pagsisigurong maayos nilang mapapalaki ang kanilang anak. 




Mga doktor at pediatrician ang mismong nagsasalita sa isinagawang klase at nandoon din ang mga beteranong mommy para ibahagi ang ilang mga tips sa pagiging isang mabuting ina batay na rin sa kanilang mga napagdaanan. 


Dumalo din sa klase ang asawa ni Solenn na si Nico Bolzico ngunit hindi naman nakapunta ang asawa ni Anne na si Erwan dahil na rin sa schedule nito sa trabaho. 

Naging masaya ang isang araw na pag-aaral ng mag-hipag lalo na at doon ay hindi maiwasang magkulitan ng mag-asawa na sina Solenn at Nico. Nakakatuwa rin ang naging tanong ng aktres na si Anne Curtis patungkol sa magiging kalagayan ng ulo ng kaniyang anak paglabas nito. 




“Will my baby’s head ever be normal if it emerges as a cone head?” pagtatanong ni Anne sa isang pag-uusap na kanilang ginawa habang nasa klase. 


Umuwi sina Anne, Solenn at Nico na taglay ang ngiti sa kanilang mga labi at baon-baon din ang kaalaman na magagamit nila sa pagsisimula bilang mga bagong magulang. Sa katunayan ay mayroong kani-kaniyang notes sina Anne at Solenn kung saan nakasulat ang mahahalagang bagay na kanilang natutunaan.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class