Cebu Pacific, Tumanggap ng Transwoman Bilang Flight Attendant sa Kauna-Unahang Pagkakataon






Ang diskriminasyon ay talamak na nararanasan ng karamihan sa buong mundo at marami itong klase kagaya na lamang ng tungkol sa lahing pinagmulan, kulay ng balat, pisikal na kaanyuhan, estado sa buhay at iba pa.

Ngunit isa na siguro sa pinaka-pangkaraniwan ay ang patungkol sa kasarian ng isang tao. Ang mga taong kabilang sa komunidad ng LGBTQ ay may mga sari-saring katangian ngunit iisa lamang ang pinaglalaban ng mga ito—ang pagkakapantay-pantay ng lahat para tuluyan nang matigil ang diskriminasyon. 

Sa ibang bansa ay labis na marahas tratuhin ang mga ito pero dito sa Pilipinas ay makokonsiderang mas maluwag ang pagtanggap natin sa mga ito, sa katunayan nga ay libre silang manamit at kumilos sa paraang nais nila. 

Gayunman, gaya ng lahat ng bagay, may limitasyon ito lalo na sa trabaho dahil mayroong mga klase ng trabaho kung saan hindi sila malayang makakapasok nang basta-basta. Kaya naman nang mapabalita ang pagtanggap ng isang kilalang airline dito sa atin sa mga transwomen bilang flight attendants ay nagulat ang marami.



Si Jess Labares at Mikee Vitug ay kinikilala na ngayon bilang kauna-unahang transwomen na naging flight attendants dito sa ating bansa mula noong tanggapin sila ng Cebu Pacific bilang kabilang sa kanilang cabin crew kumakailan lamang. 


Si Jess ay isang beauty queen habang si Mikee naman ay isang lisensyadong pharmacist. Ang kanya-kanyang post ng dalawa kung saan ibinahagi nila kung gaano kahirap ang training na kinailangan nilang gawin sa loob ng halos dalawang buwan ay nag-trending sa social media. 



unay nga raw na hindi biro ang mga paghahandang kailangang gawin upang maging isang ganap na flight attendant at kahit pa gaano ka-glamorosong tingnan ang trabaho, ito ay nakatuktok talaga sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao upang mapanatiling kumportable at masiguro ang kaligtasan ng mga ito tuwing buma-biyahe.

Ayon kay Jess, ni hindi nito pinangarap noon ang maging isang flight attendant ngunit dumating nang kusa ang oportunidad sa kanyang buhay upang subukin umano kung hanggang saan ang kanyang kakayahan kahit pa ito ay hindi pamilyar sa kanya. 


Kaya naman, buong tapang nitong kinaya ang napakahirap na training para lamang makamit ang sabi nito’y “greatest crown” na nakuha niya sa kanyang buong buhay. Para naman kay Mikee, biglaan lamang raw niyang naisip ang ideya na mag-apply bilang parte ng cabin crew sa nasabing airline at sa totoo lang ay ni hindi niya sukat akalain na matatanggap siya dahil wala pa namang napabalita noon na transwoman na natanggap para sa trabahong iyon. Ngunit dala na rin ng panghihikayat at suporta ng kanyang partner ay sinubukan niya ang kanyang tyansa na siya namang nagbunga ng positibong resulta. Sa kasalukuyan ay silang dalawa ang kauna-unahang naitalang transwomen na nakapasok sa ganitong klase ng trabaho dito sa ating bansa.


Labis ang pasasalamat ng dalawa sa kumpanya para sa pambihirang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanila at hinihikayat nila ang ibang tao, lalo na ang mga parte ng LGBTQ community, na huwag matakot na subukan ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa dati. 

Umaasa si Jess at Mikee na simula na ito ng tuluyang pagtanggap ng lipunan sa mga kagaya nila at na sa wakas ay makita sila ng iba bilang mga normal ring tao na maraming kayang gawin at may mga kakayahang makagawa ng pagbabago sa mundo.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!