Coco Martin, Pinasilip ang Kaniyang Mala-Resort Na Bahay sa Quezon City




Ang laki ng inusbong ng career ni Kapamilya aktor Coco Martin mula sa kanyang panahong bilang indie actor noong mga nakaraang taon. Ayon sa mga balita, si Coco ay may net worth na 20 million dollars at isa siya sa pinaka sikat na artista sa Philippine entertainment industry. Ang kanyang 2,000 sqm na bahay ay sinasabing pinaka magandang bahay sa buong bansa dahil sa mala resort nitong mga pasilidad. Matatagpuan ang mala resort na bahay ni Ang Probinsyano Actor Coco Martin sa Quezon City.

Natapos ang kanyang bahay makalipas ang tatlong taon dahil ayaw ni Coco umutang sa mga bangko para lamang maipatayo ang kanyang dream house. Sabi niya, ang tagal niyang ipinatayo ang bahay dahil kelangan nyang kumayod at mag ipon. Ayaw niyang biglain ang pag papatapos ng kanyang bahay dahil takot siyang umutang sa bangko dahil ang hindi permanente ang kanyang trabaho. Ika ng aktor, may mga panahong okey ang kanyang trabaho at tapos biglang mawawala. Naisip din niya na kapag ni-loan niya ang gagamiting pera sa bangko ay baka hatakin sa kanya ang kanyang dream house kapag hindi ito nakapag bayad at yun ang pinaka masakit na mang yayari sa kanyang buhay kung sakali. 




Nag simula si Coco na mag patayo ng isang simpleng bahay at habang umaangat ang kanyang career ay bumili siya ng lupa para palakihin ito. Kinuhang inspirasyon ni Coco ang mga bahay sa mga architectural magazines upang gayahin sa kanyang pinapatayong dream house. Ang kanyang pintuan ay ginawa ni Abdulmari Asia Imao, isang National Artist for Visual Arts.  Ipinagawa ni coco ang isang art piece na pintuan na may tampok na isda dahil ang kanyang lola ay isang Pisces. Ibat' ibang mga desginers din ang nag paganda sa bahay ni Coco Martin. Katulad ni Miguel Aguas, Trek Valdizno, Kenneth Cobonpue at Vito Selma.May ipinatayong maliit na sinehan ang aktor sa kanyang bahay na may kumpletong sound systems at mga upuan. Makikita na ang kanyang mga awards ay naka display sa loob ng kanyang sinehan.





Ang kanyang kwarto naman ay may iba't ibang abstract painting mula sa isa pang National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz. Pinaganda naman ng mga furnitures ni Kenneth Cobonpue ang kanyang living room at iba pang bahagi ng kanyang bahay. Sa kanyang pool area, may cabana na nag tatayo bilang isang guest house na may kumpletong furnitures mula kwarto hangang kusina. Maraming mga netizens ang namangha sa sipag at tiyaga ni Coco at maraming nag sasabi na deserve ng aktor ang ganitong kagandang bahay.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!