Darren Espanto, Naka Graduate na sa Highschool Kung Saan Ito ay With Honors Pa! Congratulations




Marami sa mga kilalang personalidad na sumabak sa industriya ng showbiz ang hindi nakakapagtapos agad sa kanilang pag-aaral lalo pa kung sila ay nagsimula sa karera sa murang edad. Ang iba sa kanila ay kumukuha ng mga klase online o kaya’y nag-aaral sa kani-kanilang mga bahay na lamang upang tumugma sa kanilang busy schedule.

Tunay nga namang mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral kaya marami rin sa kanila ang tuluyan na talagang nahinto sa pag-aaral upang mas matutukan nila ang kanilang mga trabaho at bumabalik na lamang sa eskwela kapag naging mas maluwag na ang kanilang oras.

Si Darren Espanto ay nakilala mula nang sumali ito sa paligsahan sa telebisyon na “The Voice Kids Philippines” noong taong 2014. Pinalad itong makaabot sa finals ngunit hindi ito ang nanalo sa dulo, gayun pa man ay doon na nagsimula ang tuloy-tuloy nitong pagsikat bilang isang mang-aawit. 13 anyos ito noong magsimulang sumikat ngunit 10 anyos pa lamang ito ay sumasali na ito sa iba’t-ibang mga paligsahan. Kalaunan ay nakapaglabas ito ng album na talaga namang tinangkilik ng mga tao kaya naman naging double platinum ito.




Ngayon ay ganap na itong binata sa edad na 18 taong gulang at malapit na rin itong magtapos sa Senior High School, kung saan ito pa ay tatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng matataas na grado. 


Sa panayam ni Darren sa late night show ni Boy Abunda ay ibinahagi nito ang kanyang mga plano sa hinaharap at pati na sa kolehiyo. Ayon sa singer, hindi pa nito tiyak kung ano talagang kurso ang kukunin nito, ngunit malamang daw ay may kinalaman sa medisina upang sumunod sa landas na tinahak ng kanyang mga magulang na parehong rehistradong nurse.

Napahanga si Boy Abunda sa katunayang hindi lamang ipinagpatuloy ng binata ang pag-aaral kundi makakapagtapos pa ito nang may high honors, kahit pa napaka-abala nito sa trabaho kung tutuusin. Ang sabi naman ng mang-aawit ay hindi rin nito alam kung paano niya nakakayanang gawin ang lahat ngunit malaki ang pasasalamat nito sa mga tutor nito na tumutulong sa kanya sa pag-aaral. 





Masaya raw ito na maliban pa sa nagagawa niya ang hilig niya ay hindi rin natigil ang pagpursige niya sa edukasyon. Paniguradong magiging maganda ang hinaharap ni Darren lalo pa kung patuloy ang ganitong klase ng mind set nito na siyang dapat tularan ng mga dalaga’t binata na nagsisimula pa lamang rin sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!