Dating Barangay Tanod na Nakagraduate ng Cum Laude, Dahil sa Sikap at Tiyaga ay Isa Nang Engineer Ngayon!




Sa hirap ng buhay sa panahon ngayon, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang diskarte upang makaraos at matustusan ang lahat ng pangangailangan sa araw-araw. Maraming kabataan ang ni hindi nakakapagtapos sa pag-aaral dahil kailangan kumayod agad sa murang edad, kaya talagang isang malaking achievement na maituturing ang makapagtapos ng High School man lang. Minsan ay hindi naiisip ng mga mag-aaral kung gaano sila kaswerte na sila ay nakakapasok sa mga magagandang paaralan na walang ibang kailangang isipin kundi ang tumutok lamang sa kanilang mga pinag-aaralan. 

Ang ilan ay nagagawa pang tumakas at lumiban sa kanilang mga klase dahil lang sa katamaran at impluwensya ng mga barkada, habang marami ang humihiling na sana’y may kakayahan rin ang kanilang mga magulang na ipasok sila sa maayos na paaralan. 

Mayroong isang binata ang hindi rin kasing-swerte katulad ng ilan dahil kinailangan nitong dumiskarte para lamang makapagpatuloy sa kanyang kurso.




Siya si Janryl Judilla Tan, 23 anyos, na kinailangang magdoble kayod para makaraos, kaya naman habang nag-aaral ito ay nagtatrabaho rin ito sa baranggay bilang isang tanod. Sume-sweldo ito ng anim na libong piso kada buwan at ito ang kanyang ipinangdadagdag sa mga gastusin sa paaralan at iba pa. 


Nito lamang ay nag-trending ang kwento ng binata dahil sa wakas ay nakapagtapos na ito at cum laude pa! Grumaduate ito ngayong taon at agad rin itong kumuha ng board exams at sa kasalukuyan nga ay lisensyado na itong civil engineer. Hindi na nito kailangan pang magtrabaho sa barangay, bagay na bahagyang ikinalungkot rin nito dahil medyo napamahal na rin sa kanya ang pagse-serbisyo ngunit kailangan na rin niyang simulan ang tunay na karera bilang isang ganap na inhinyero.




Maraming netizens ang napakahanga sa dedikasyon at kasipagan ni Janryl dahil nagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagsisilbi sa bayan kahit pa maliit lamang ang kinikita nito kada buwan kung tutuusin.


Sadya nga raw talagang masipag ang mga Pilipino at hindi basta-basta sumusuko sa ano mang pagsubok na dumarating sa buhay. 


Ang kwento ni Janryl sana ay magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na mas galingan pa sa kanilang pag-aaral upang hindi masayang ang ibinabayad ng kanilang mga magulang sa kani-kanilang paaralan, lalo pa at hindi naman lahat ay pinapalad na makapag-aral nang walang ibang pino-problema.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!