Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!



Madalas tayong makakita ng mga bakery na nagbibigay ng 50% discount o mga promo kagaya ng 'Buy one, Get one', kapag malapit ng magsara ang kanilang mga tindahan. Karaniwan itong mangyari sa mga bakery na nasa Malls at ang ilan pa nga ay talaga namang inaabangan at pinipilahan ng mga tao na gustong makatipid. Ngunit natatangi sa mga ito ang isang bakery na kilala sa pangalang Bread Talk dahil ni minsan ay hindi sila nagkaroon ng tinatawag na 'closing promo' at ipinagtataka ito ng karamihan.


Mabuti nalang, isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang nakakatuwang karanasan sa nasabing tindahan ng mga tinapay nang mamalagi siya dito habang naghihintay ng kaniyang sasakyan pauwi at nabigyan ng linaw ang bagay na ito.




Nakilala siya bilang si Camae Muggle at ayon sa kaniyang Facebook post, suki rin siya ng mga bakery dahil sa mga discounts nito sa tuwing pasara na ang mga tindahan. Habang nasa Bread Talk nga siya ay nakita niya ang isang lalaki na lumapit sa manager at narinig niyang nagsabi ng "Pwede na po?"

Naisip noon ni Camae na baka mayroon na ngang 'closing promo' ang Bread Talk ng hindi niya nalalaman kaya naman kinausap niya na rin ang manager patungkol sa kaniyang agam-agam at narito ang kaniyang nakuhang sagot:

"Maam, wala pong promo. Every night po, lahat ng natitira sa stores namin all over the world, binibigay namin sa charity. Si Kuya po yan, sila yung kumukuha every night para ishare sa iba. So dito po sa Pilipinas, may mga chosen charity ang mga breadtalk stores and sa kanila namin binibigay. This way po, nakakasiguro kayong baked fresh na everyday ang products namin, nakakatulong pa po kami sa community."



Matapos nito ay naliwanagan si Camae at namangha siya sa kakaibang paraan na ginagawa ng kompanya para mapanatiling bago ang kanilang mga produkto. 

"Wow! So yes, instead of offering promos to sell to people who can already afford products even when there isn't any promo at all, BreadTalk makes a difference by promoting love instead of profit."



Mayroon din siyang napulot na aral sa kaniyang naging karanasan at magiliw niya itong ibinahagi sa kapwa niya netizens.

"...we cannot judge what we do not know. Just because we think we dont benefit from one thing, it doesnt mean others (especially the ones who need it the most) dont with the same thing."

Samantala, isa sa mga foundation na sinusuportahan ng Bread Talk ay ang 'C.R.I.B.S Foundation' kung saan inaalagan ang mga bata na iniwan at inabandona ng kanilang mga magulang.

Comments

  1. so inspiring, God bless Breadtalk

    ReplyDelete
  2. Now l feel satisfied na medyo my presyo ang paborito kong bakeshop...BreadTalk,yet worth naman ang lasa at quality ng bread nila at the same time may puso pa sa mga less fortunate...God Bless!

    ReplyDelete
  3. Good job..... But ssns as a way of gratitude sa loyal customers mag closing promo pa din kasi not all who wants to buy cant afford the usual price.

    ReplyDelete
  4. Ganyan din po sa HK.. Ibinibigay nila sa mga tao na nangangailangan at maging da supermarket ipinamimigay nila..

    ReplyDelete
  5. LOVE IT! Godbless breadtalk!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class