Green Mango Sorbet Na May Bagoong Toppings Trending Sa Social Media



Isa sa mga paboritong pagkaing Pilipino ay ang manggang hilaw na mayroong kasamang bagoong. Makikita na isa ito sa mga sikat na street foods dahil kahit anong oras ay pwede mo itong kainin. 

Tila nakakapaglaway talaga ang asim ng green mango lalo na pa't ginagawang sawsawan ang bagoong na maaaring gawing sweet, spicy o magkahalong sweet and spicy. 

At dahil sa pagiging malikhain ng mga Pilipino pagdating sa mga food combinations kung ano-ano pang masasarap na pagkain ang nagagawa nila. Ang ice cream store naman na ito sa Mandaluyong ay nakaisip na gumawa ng kakaibang sorbet na may flavor na gawa sa hilaw na mangga. 

Sa Facebook post ng Philippine Star, patok ngayon sa mga customers ang green mango sorbet ng Sebastian's sa isang mall. Dahil isa na naman itong flavor na kakaiba kaya sabik na naman ang mga Pinoy na matikman ang bagong lasa na ito.

Para sa mga nacu-curious kung paano nagawa ang flavor na ito ay gumamit sila ng mga fresh green mangoes at ginawa itong sour sorbet na walang halong dairy. Ang flavor raw na ito ay inspired sa classic Pinoy snack.


Ngunit hindi lang doon nagtatapos dahil hindi makukumpleto ang 'foodgasm' kung wala itong kasamang ginisang bagoong. Kaya naman para sa toppings ng sorbet ay nilagyan ito ng mainit-init pa na sweet bagoong na parang katulad daw ng hot fudge sundae.

Ayon sa mga customers na nakatikim na nito ay hindi lang ito masarap sa paningin kundi sa panlasa rin. Matatagpuan ang branches ng Sebastian's sa The Podium, Ayala Malls Vertis North at Regis Center sa Katipunan.

Narito ang ilang mga komento ng mga netizens tungkol dito.

"I've already tried this. Masarap to, promise!"

"The ice cream itself is a sorbet with sweet/salty bagoong, masarap siya, unusual and it might look unappetising at first but surprisingly, masarap siya!"

"It's an innovation of food para kasing yung mga local desserts ng mga place niyo nagagawan nila ng twist and turned it to sorbets."

Ikaw, nais mo rin bang matikman ang green mango sorbet with bagoong?

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!