Grupo Ng Mga Estudyante Tinulungan Ang Isang Lolo Na Magpulot Ng Bigas Na Natapon Sa Kalsada



Ang pagtulong sa kapwa ay wala dapat pinipiling tao o oras. Kapag kailangan ng kapwa mo ang iyong tulong ay dapat na handa kang ibigay ito ng taos puso. Minsan kung sino pa ang mga bata ay sila pa ang nagiging mabuting ehemplo dito sa ating lipunan.

Ang isang grupo ng mga babaeng atleta ng Altavas National School sa Aklan ay hinangaan dahil sa pagtulong diumano sa isang matandang lalaki na namumulot ng mga butil ng bigas sa kalsada. 

Kwento ng isang estudyante na nakilala bilang si Harieth Pacis na pauwi na raw sila noon galing sa isang game sa Malinao. Nang nasa may bandang Lezo sila ay napahinto sila dahil mayroong silang nakitang isang matandang lalaki na nagpupulot ng bigas sa kalsada. 

Maraming mga tao ang dumadaan ngunit wala ni isang nagkusang tumulong sa matanda. Noong masaksihan nila iyon ay naiiyak na lamang sila awa. Kaya naman pinahinto nila ang kanilang jeep na sinasakyan at silang lahat ay tinulungan ang matanda na pulutin ang mga nagkalat na bigas sa kalsada.

Bukod doon ay ang bawat butil ng bigas ay grasya kaya naman wala dapat na nasasayang.

Saad ng lolo na naglalakad siya bitbit ang biniling bigas ngunit bumigay ang plastic na pinaglalagyan  nito kaya naman natapon ang bigas sa daan. 

Hinangaan naman ang mga estudyanteng ito dahil sa kanilang kabutihang asal at pagiging matulungin na kanilang ipinakita sa kanilang kapwa. Maging ang kanilang school principal at coach ay napahanga at sinabihan na sila ay mga role models ng kanilang eskwelahan.

Pinuri rin sila ng mga netizens at sinabi na sana ay tularan sila ng iba pang mga estudyante. Pinuri rin ang mga magulang at mga guro ng mga batang ito dahil pinalaki at tinuruan sila na magkaroong malasakit sa kapwa.

Hindi man sila nanalo sa kanilang nakaraang laro sa basketball ay panalo naman sila sa puso ng mga tao.

Source: FacebookFacebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse