Grupo Ng Mga Tatay Na Nagbabantay Ng Kanilang Mga Anak, Kinaaliwan Ng Mga Netizens



Pag dating sa pag-aalaga ng mga bata at pamilya, ang ina ang kadalasan na nagbabantay lalo na kapag ang kanilang asawa ay nasa trabaho. Ito na ang nakatatak na tungkulin ng mga ina kahit na noon- noon pa.

Normal na rin na sitwasyon lalo na dito sa Pilipinas na kapag tumatambay at nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay ang mga nanay ay isinasama na nila ang kanilang mga anak. Dahil wala naman silang mapag-iiwanan na iba para magbantay.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Jellyann Roque sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang grupo ng mga kalalakihan na makikitang nakatambay sa daan. Pero kung kadalasan ay makikita ang mga kalalakihan sa daan na nag-iinuman. nagkakatuwaan, at nagkukwentuhan ay ibahin naman ang grupo ng mga tatay na ito. 

Dahil habang sila ay nakatambay at tila nagkukwentuhan sa kalsada ay makikita na bitbit nila ang kanilang mga anak at ang ilan pa ay karga-karga pa talaga nila ang kanilang mga anak na sanggol. Hindi ito karaniwang sitawasyon na makikita sa ating lipunan. 

Pabirong caption ni Roque sa kanyang post, "Mga iniwan ng asawa haha charoooot! Ganyan dapat kapag tatambay isasama anak."

Madalas kasi na pumapasok sa ating isip, na kapag ang tatay ang nag-aalaga ng bata at nasa bahay ay ang ina ang naghahanap buhay. Ngunit hindi naman lahat ng sitwasyon ay ganito, minsan baka dahil nagsasalit-salitan lang ang mag-asawa sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Kaya naman ng makita ito ng mga netizens ay labis nila itong ikinatuwa. Dahil kahit na nagkakatuwaan kasama ang mga barkada, ay hindi nila pinapabayaan ang kanilang mga anak. Lalo na't kung pagmamasdang maigi ang larawan ay mayroon pang tatay na pinapainom ng gatas ang kanyang anak.

Wika ng isang netizen na iba na daw ngayon, ang mga lalaki na ang mga nagtitsismisan [imbes na mga babae/nanay] habang buhat ang kanilang mga anak. 

Gayunpaman, ang importante pa rin naman ay naalagaan ng mabuti ang mga anak. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa