Hinangaan ang Libreng Pasakay ng Isang Jeepney Driver na Ito sa Araw ng Kaniyang Kaarawan!





Madalas sa tuwing sasapit ang kaarawan ng isang tao ito ay naghahanda ito ng mga pagkain. Marami ang nakagawian na ito at naipasa na sa iba’t ibang henerasyon. Kaya naman sa pagsapit ng kanilang kaarawan ay kanilang pinagdiriwang ang panibagong taon na pinagkaloob sa kanila ng may kapal. 

Pero hindi lahat ay ganoon na idinaraos ang kanilang kaarawan dahil meron din naman na idinadaos ito sa simple at ibang paraan katulad ng pagtulong sa kanilang kapwa.


Isang istorya ni Manong jeepney driver ang nagviral online matapos ibahagi ng isang netizen ang kakaibang paraan nito kung paano idaos ang kanyang kaarawan. 


Napansin ng netizen sa loob ng jeep na kaniyang sinasakyan ang isang karatula kung saan mayroong nakasulat na mensahe na umantig sa kaniyang puso.

“Nov. 3, 2019. Hi, Its my bday im very happy to ride you free!”, ito ang nakalagay sa mensahe sa karatula sa jeep."

Ayon sa netizen, nagpapasakay ng libre si Manong driver na biyaheng Olongapo, Zambales sa araw ng kaniyang kaarawan.



Hinangaan ng maraming netizen ang nakakaantig na damdamin na istorya ng jeepney driver na ito, na sakabila ng hirap ng buhay ay nagagawa pa din maging blessing sa ibang tao. Kung saan sa halip na siya ang makatanggap ng regalo sa kanyang kaarawan ay siya mismo ang naging regalo sa kanyang pasahero.

Ang istorya itong ay ibinahagi online sa Facebook page na “This is my Zambales”, noong November 3, 2019 kung saan umani ng napakaraming likes sa mga netizens dahil sa nakaka antig na ginawa ng isang driver.


Tunay ngang kahangahanga si Manong Driver! Nawa’y patuloy mong ibahagi ang iyong mabuting puso para sa ibang tao. Siguradong balang araw ay may mabuting kapalit ang iyong ginagawa basta’t ipagpatuloy mo lamang ang paggawa ng mabuti sa iyong kapwa. Mabuhay po kayo manong jeenpney driver!

Ang istorya din ng jeepney driver na ito ay patunay na iba ang naibibigay na galak at saya sa puso kapag ikaw ay tumutulong sa iba. Maaari niyo pong ibahagi ang inyong komento sa pamamagitan ng pag-comment sa istorya na ito.



Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda