House Owner Nagulat Na Lang Sa Ga-bundok Na Basurang Iniwan Ng Kanyang Tenant Sa Inuupahan Na Bahay


Para sa ilang mga tao na wala namang sariling bahay, ay naghahanap na lang sila ng house or room for rent. Ngunit bilang isang house owner o landlord/landlady, ay mahirap din ang mag-maintain ng mga pinapaupahang bahay o kwarto lalo na pa't kung ang iyong tenant ay hindi maalaga sa kanyang tinitirhan. 

At ang pinaka-mahirap pa ay kapag araw na ng singilan ng renta at ang iyong tenant ay hindi pa marunong magbayad sa tamang oras. Kaya naman ang nagiging desisyon sa karamihan ng mga nagpapaupa ay palayasin o paalisin na lamang ang kanilang tenant na hindi marunong magbayad. 

Ang isang house owner na ito sa Malaysia ay napilitan na lang na paalisin ang kanyang tenant matapos na hindi na ito nagbabayad ng renta. 

Ang nasabing tenant ay ayaw pang ibigay ang susi ng bahay sa may-ari kaya naman ang house owner ay nanghingi na ng tulong sa mga police upang mapakiusapan ang tenant at ang kanyang pamilya na ibigay na ang susi sa nirerentahang bahay at para maparentahan na ito sa iba. 

Noong nakuha na ng house owner ang susi ay nahirapan pa silang buksan ang bahay. Hindi dahil mali ang mga susi na ibinigay kung di dahil sa bundok- bundok na mga basurang nakaharang sa pinto na tinambak sa loob ng bahay. 

Laking gulat ng may-ari dahil punong-puno ang kanyang bahay ng mga basura mula sahig hanggang kisame. At hindi na ito nagmukhang bahay kundi parang naging isang bodega na tambakan ng mga basura.

Hindi mo aakalain kung paano pa nakatira ang isang tao sa ganitong kakalat at kadumi na bahay. At ang malala pa nito ay hindi man tumulong ang kanyang dating tenant upang linisin ang kalat sa sinalaula nilang bahay. 

Ilang araw bago nalinis ng house owner at ng kanyang mga kaibigan ang bahay na nagmistulang isang dumpsite ng basura. 

At tiyak na kakailanganin ng malaking make-over ang nasabing bahay upang maging kaaya-aya itong muli sa mga ibang nais magrenta. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera