Isabelle Daza, Nagbahagi ng mga Tips Patungkol sa Tamang Paggastos Ng Pera




Ang celebrity mom na si Isabel Daza ay isa sa mga tinaguriang ‘IT Girls’ sa ating bansa at talaga namang pinatunayan niyang karapat-dapat siya sa nasabing titulo. Maliban sa gandang minana niya sa kaniyang ina na isang beauty queen ay kapansin-pansin rin ang talino na taglay ni Isabel. Sa katunayan, marami siyang ibinabahagi sa kaniyang social media accounts na talaga namang nakakapagbigay ng karunungan at inspirasyon sa mga netizens.


Isa sa kaniyang mga ibinahaging kaalaman ay patungkol sa tamang paggastos ng pera. Ito ay batay na rin sa kaniyang mga napagdaanan at natutunang leksyon sa buhay sa paglipas ng panahon. 


Ayon kay Isabelle, ang pinakaunang listahan sa kaniyang tips para sa paggastos ng pera ay ang “SPEND ON EXPERIENES” o ang paglalaan ng pera sa mga karanasan na kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Mahalaga ang bagay na ito dahil ang mga nagagastos nating pera sa pamamasyal o pagkakaroon ng panahon sa ating pamilya at mga kaibigan ay maaari pang kitain uli ngunit ang oras na lumipas ay kailan man ay hindi na maaari pang ibalik.




“Now that I’m older I realized that spending on experiences is definitely so much better than an actual material thing, especially experiences that bring you closer to the people that you love.”






Ang ikalawa ay ang kaniyang tip na “Don’t be emotional”. Huwag pairalin ang emosyon kapag bumibili ng isang bagay dahil maaari itong magdulot ng pagsisi sa huli. Madalas itong nangyayari sa ilan sa atin kung saan bumibili tayo ng mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan at nasasayang lang. 

“My friend just bought a DJ set but he hasn’t touched it. I think that a very painful lesson that we sometimes make a decision of a whim. We need to be more conscious and less emotional with our spending.”


“Prioritize what brings you joy”

Pangatlo, maglaan ng pera sa mga bagay na talaga namang makakapagbigay sayo ng pangmatagalang kasiyahan at mahalaga para sa ikakalago ng iyong buhay. “Prioritizing things that bring us joy and not just instant gratification,” dadag ng aktres.


“Keep a gratitude journal”

Panghuli, gumawa ng listahan ng mga bagay na iyong ipinagpapasalamat. Sa ganitong paraan ay araw-araw mong maipapaalala sa iyong sarili kung ano ang mga bagay na mas mahalaga sa iyong buhay. Ito rin ang siyang magiging gabay mo kung paano mo gagamitin ang iyong pinaghirapang pera.

“Because when you focus on what you have, you are reminded of what’s important and not what you’re missing out.”

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!