Isang Ina ang Pinagbabawalan ng Mabuntis Muli Matapos Magkaroon ng Mahigit na 44 na Anak!


Napakahirap nga naman ang maging isang ina dahil lahat ng sakit at pagod ay kaniyang mararanasan sa pagsilang ng kaniyang supling. Subalit kahit gaano man kahirap at kasakit ang paanganganak ay marami pa ring mga babae ang nabubuntis at nagkakaroon ng maraming mga supling. 

Katulad na lamang ng isang babae na ito na nagngangalang Mariam Nabatanzi na tinaguriang “Most Fertile Woman” dahil sa pagkakaroon ng mahigit 44 na anak!

Ikinasal si Marian at ang kaniyang asawa noong sila ay 12 anyos pa lamang kung saan magsisimula pa lang ito maging isang ganap na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nabuntis ito at nagkaroon ng kambal matapos ang isang tao.


Matapos ay nasundan ang kaniyang unang padadalang-tao ng apat na kambal, limang triplet, at limang quadruplet



Sa ngayon ay edad 40 na si Marian at namayapa na ang asawa kung saan apat na taon na ang nakakalipas. Upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang 38 na anak na karamihan ay pumapasok sa eskwelahan, kailangang niyang kumayod ng doble. Sa katunayan, mayroon siyang tatlong trabaho upang magkaroon ng sapat na income para sa kaniyang pamilya.


Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng maraming anak si Marian ay dahil mayroon daw itong malaking obaryo ayon sa Doktor kung saan nagkaroon ito ng mas maraming tyansa na mabuntis kumpara sa isang normal na obaryo ng isang babae.



Sa kabila ng kanyang kondisyon ay hindi rin mairekomenda ng espesyalista ang paggamit ng birth controls dahil magdudulot ito ng mas malalang komplikasyon sa kalusugan ni Mariam. Sa katunayan, dumanas siya ng comatose nang gumamit ng IUD o isang birth control method matapos manganak sa kanyang ika-18 na sanggol.




Sa kabila ng kahirapan na dulot ng pagkakaroon ng maraming anak ay determinado si Mariam na alagaan at itaguyod ang kanyang mga sa abot ng kanyang makakaya. Naniniwala rin siya na kaloob ng Diyos na magkaroon ng maraming anak na kaniyang aalagaan at mamahalin.


Tunay ngang kahangahanga ang lakas ni Mariam sa panganganak at pagiging ina. Maaari mong ibahagi ang iyong komento kung ano ang masasabi mo sa kwento ng “Most Fertile Woman”? Huwag mag-atubiling i-komento ang iyong saloobin sa artiklong ito.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class