Isang Ina Kumakain Na Lang Ng Yelo At Bigas Na Hindi Luto Upang May Maipakain Lang Sa Anak


Wala talagang makakapantay sa sakripisyong ginagawa ng isang magulang. Minsan isusubo na nga lang, pero mas pipiliin pa rin nilang ibigay na lang ito sa kanilang anak.

Sa Kuala Lumpur, Malaysia isang ina ang napag-alaman na yelo at hindi luto na bigas na lang ang kinakain upang may maipambili lang ng makakain ng kanyang anak. 

Ang ina na ito ay nakilala bilang si Aisha Othman na nakatira sa Desa Rejang People's Public Housing kasama ang kanyang asawa at isang 7 taong gulang na anak na babae. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang isang security guard sa isang kalapit na distrito.

Ang kinikita ng kanyang asawa ay sapat lamang para sa pambayad ng kanilang inuupahan at sa mga gastusin tulad ng tubig at kuryente. Bukod pa roon ay mayroong pang binabayaran na utang ang kanyang asawa sa dating inuupahan ng kanyang ina kaya naman wala silang magawa kung hindi magtiis na lang na walang makain. 

Saad ng ina,

"I'm afraid the cooking gas will run out (if I cook rice). So if ever I became too hungry, I will eat ice cubes."

Dagdag pa niya na maraming beses na niyang ginawa ito pero sinisigurado nilang mag-asawa na kahit wala na silang makain ay nakakain pa rin ang kanilang anak ng pagkain. Sa tuwing bumibili ng tinapay ang kaniyang asawa ay nirereserba na nila ito para sa kanilang anak. 

Nasanayan na ni Aisha na kumain na lang ng yelo o ice cubes at bigas na hindi luto na kanyang binibili sa kanilang mga kapitbahay dahil minsan ay wala na silang pera para ipambili ng gas para panluto.

Samantala, isang film director na nakilala bilang si Azreen Madzlan ang nakadiskubre sa sitwasyon ng pamilya nila at ginawan sila ng 20 minute documentary. Dahil dito, naging daan ito upang mabigyan ng trabaho si Aisha sa isang grocery store upang kahit papaano ay makatulong ito sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

Nabigyan rin ang kanilang pamilya ng tulong pinansyal ng government welfare program upang ang mag-asawa ay hindi na muling kakain lamang ng yelo at hindi luto na bigas.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class