Isang Japanese Artist, Sikat na Sikat Dahil sa Kaniyang mga Artworks na Gawa sa Karton! Napakagaling!




Ang karton ay isa sa mga bagay na maaari nating magamit at mapakinabangan ng paulit-ulit. Madalas itong gawing lalagyan ng mga gamit sa bahay o di kaya naman ay mga paninda. Ang iba ay iniipon ito para pagkakitaan sa mga ‘junk shop’ samantalang ang ilan naman ay ginagamit ito bilang materyales para sa malawak nilang imahinasyon kagaya nalang ng mga taong tinatawag nating “artists”.

Isa na nga sa mga kanila ay nakilala bilang si Ohno, isang estudyante na nagmula sa bansang Japan at kamakailan lang ay pinag-usapan ng mga netizens dahil sa kakaiba niyang ‘obra maestra’. Karton kasi ang naging materyales niya para sa mga iskulturang ginawa niya kagaya na lamang ng isang malaking relo, kotse, robot at mayroon pang pagkain at damit!


Mabusisi ang pagkakagawa ni Ohno sa bawat iskultura na kaniyang nilikha at kahit maliliit na detalye ay kuhang-kuha niya kaya naman hindi nakakapagtaka na umani ito ng papuri mula sa mga netizens sa buong mundo. Nakakatuwa ring makita na wala siyang ibang materyales na ginamit para mabuo ang bawat piraso na halos lahat ay mayroong sukat kagaya ng original na bagay.




Ayon sa mga lumabas na balita, nag-umpisa si Ohno sa paggamit ng karton hindi dahil sa pagkahilig niya sa bagay na ito kundi dahil na rin wala na siyang ibang maisip na mas murang materyales para sa kanilang ‘school projects’. 


Nag-aaral siya sa Osaka School of Arts at dahil nga sa kakulangan ng budget ay napilitan siyang gumamit ng karton. Matibay kasi ang materyales na ito at maari ring mahubog ng naayon sa gustong hugis ng gumamit dito kaya naman hindi kalaunan ay nakasanayan na rin ni Ohno ang paggamit nito. Sa katunayan ay nasisiyahan siyang gawin ang ganitong uri ng sining kaya naman umabot sa mahigit 42 piraso ang kabuuan ng mga iskultura na kaniyang nagawa.




Talaga namang nakakamangha ang talento at konsentrasyon na meron si Ohno para makagawa siya ng mga kamangha-mangha bagay mula sa kapirasong karton.



Ang karton ay naimbento ng mga Tsino mula noong 1600s at mas lalo pa itong pinaganda at pinatibay sa paglipas ng panahon. Samantala, ginamit ang bagay na ito sa unang pagkakataon para sa board games na tinatawag na “The Game of Besieging”.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class