Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!




Malaking tulong sa atin ang mga kasambahay na siyang nagiging katuwang natin sa araw-araw. Sila ang nag-aasikaso ng ating mga pagkain at sinisigurong malinis ang ating mga tahanan. Ganoon pa man, kadalasan ang mga kasambahay na ito ay hindi natatrato ng maayos ng kanilang mga amo lalo na kung sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Nakakalungkot ngang isipin na hindi na halos mabilang ang mga kaso ng pananamantala sa mga domestic helper abroad.

Isa na nga rito ang kwento ng babae na nakilala sa pangalang Castina. Nagmula siya sa Idaramayu, isang bayan ng West Java, Indonesia at pinalad na magkaroon ng trabaho bilang isang kasambahay sa Singapore. Ngunit hindi niya inaasahang ang pangarap niyang kumita ng pera para sa pamilya ay isa palang bangungot dahil sa hindi magandang pakikitungo ng kaniyang amo. 


Makikita sa video na ibinahagi ng concerned netizen na si Chun Ming kung gaano katakot si Castina habang umiiyak na inilalahad ang mga ginawang pang-aabuso sa kaniya. 


Nanghihina rin siya sa pagtatrabaho dahil iisang beses lang siyang pinapakain sa loob ng isang araw at kung sakaling humingi man ng karagdagang pagkain kapag nagugutom ay siguradong pagagalitan lang siya ng kaniyang amo. Maliban dito ay hindi rin siya nakakatulog ng maayos dahil gabi na natatapos ang kaniyang trabaho at kapag hindi siya nagising ng alas-singko ng umaga ay sinasabuyan siya ng tubig ng amo para magising.





Ang nakakalungkot pa ay ni minsan hindi siya pinayagang makalabas ng bahay kahit na ‘day-off’ at hindi rin niya nakaka-usap ang kaniyang pamilya sa Indonesia. Para masiguro ang bagay na ito ay mayroong mga CCTV na nakapaligid sa bawat ng sulok ng bahay na siyang nagsisilbing mata ng kaniyang amo.

Tinitiis nalang ni Castina ang kaniyang naging kapalaran at patuloy na nanalanging sana ay mayroong taong dumating para siya ay matulungan. Sa kabutigang palad ay dininig ng Diyos ang kaniyang dasal at dahil nga sa nasabing concerned netizen ay nakarating ang kaniyang kwento sa Ministry of Manpower (MOM) na siyang nangangalaga sa mga karapatan ng domestic helper sa Singapore.




Hindi nagtagal ay nagawan ng paraan ang nakapanlulumong sitwasyon ni Castina at sa wakas ay matitigil na ang miserable niyang buhay dahil sa ngayon ay mananatili muna siya sa embahada ng Indonesia habang inaayos ang ilang dokumento para makauwi siya sa kaniyang pamilya.

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ng mga netizens at kamag-anak ni Castina dahil pumanig sa kanila ang kapalaran at tiyak na ang kaligtasan nito.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!