Ito ang Buhay Ngayon ng mga Artistang Gumanap sa Sikat na Teleseryeng 'Mara Clara'




Naalala niyo ba ang sikat na palabas sa telebisyon na 'Mara Clara'? Napanood siya ng publiko noong taong 1992 at limang taon ding sinubaybayan ng mga manonood. Kwento siya ng buhay ng dalawang bata na nagkapalit ang kapalaran. Si Mara na anak mayaman ngunit lumaki sa mahirap na pamilya at si Clara na tinamasa naman ang buhay na hindi dapat sa kaniya.

Dalawampu't pitong taon na rin ang lumipas nang unang ipalabas ang teleserye, halina't alamin ang buhay nila sa kasalukuyan.

1. Judy Ann Santos


Si Judy Ann ay isa sa mga tinaguriang child star sa mundo ng show business at una siyang sumabak sa pag-aartista sa murang edad na walong taong gulang pa lamang. Siya ang gumanap sa papel ng bida sa teleserye na si Mara at simula noon ay mas lalo pang dumami ang kaniyang mga proyekto bilang artista.

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mga anak at masayang namumuhay bilang misis ni Ryan Agoncillo, isa ring aktor. 



2. Gladys Reyes


Si Gladys Reyes ang siyang gumanap sa papel ng kontrabida na si Clara at dahil sa ipinakita niyang talento sa pag-arte ay kinilala siya "primera contravida" sa mundo ng show business. Kahit sa kasalukuyan ay kontrabida role pa rin ang madalas niya gampanan. Ikinasal siya kay Christopher Roxas at mayroon ng tatlong anak.

3. Wowie de Guzman


Siya ang lalaking pilit inaagaw ni Clara kay Mara. Dahil sa teleseryeng ito ay nagsimula ang tambalang Wowie-Juday at naging magkasintahan rin sila sa totoong buhay. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon at ikinasal sa iba si Wowie noong 2012 ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumanaw ito makalipas ang dalawang taon dahil sa panganganak.

4. Angelika dela Cruz




Si Angelika ang gumanap sa papel na Joyce, ang matalik na kaibigan ni Mara. Hindi nagtagal ang kaniyang role dahil kinailangan niyang lumipat sa GMA network bago pa man matapos ang teleserye. Ikinasal siya sa asawang si Orion Cesareo at nagkaroon din ng pagkakataon na maglingkod sa bayan bilang Kapitana sa Longos, Malabon.

5. Paolo Contis


Si Paolo ang gumanap bilang si Jepoy, mapapagkatiwalang kasambahay nina Clara. Matapos ang teleserye ay nagpalipat-lipat siya ng pinagtrabahuang TV network at kasalukuyan ay kasama ang asawang si LJ at kanilang anak.

6. Juan Rodrigo


Siya ang gumanap na totoong tatay ni Clara at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin sa mundo ng show business. Sa katunayan ay kasama siya sa bagong Kapuso series na Sahaya.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera