Kinaaliwan Ang Isang Ninong Sa Binyag, Imbes Na Kandila Ay Lumpiang Shanghai Ang Hawak


Tuwing mayroong binyag, ang mga magulang ng binibinyagan ay kumukha ng mga ninong at ninang upang maging taga gabay rin sa bata hanggang ito ay lumaki. At sinisindihan ng bawat ninong at ninang ang kandila na kanilang hawak dahil sinisimbolo nito ang kanilang pagtanggap ng responsibilidad. 

Pero ang isang ninong na ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media, dahil imbes na kandila ang kanyang hawak ay isang lumpiang shanghai.

Ibinahagi ni Meynard Tobi Gutierrez ang kanilang larawan habang nasa simbahan kasama ang ilang mga ninang sa binyag. Kung titignang mabuti, ang mga kasama niya ay mayroong hawak na mga kandilang sinindihan samantalang ang kanya ay isang lumpia.

Caption niya sa kanilang larawan,

"Sila kandila pa lang, ako shangai na agad!"

Dagdag pa niya sa kanyang komento,

"Oh di ba Di mo kinaya! May shangai na ako sa simabahan pa lang!"

Nagtatakang tanong ng isang netizen kung shanghai daw ba talaga ang kanyang hawak sa binyag.

Ngunit nakakatawang sagot naman ni Gutierrez,

Mare mahirap na! Baka maubusan pa ako sa reception, nauna na ako dumaan don! Hahahaha

Kaya naman di tinawag siya ng ilan sa kanyang mga kaibigan na "Shanghai Diva."

Maraming netizens naman ang naaliw at natawa sa post na ito ni Gutierrez, at saka pa nila sinabi na "shanghai is life." Kadalasan kasi sa mga handang inihahain sa mga okasyon tulad nito ay tiyak na mayroon laging lumpiang shanghai.

Kaya naman wika ng isang netizen, sukdulang magmantika na raw ang bag wag lang maubusan ng lumpia. Napakasarap kasing kainin ng lumpia lalo na sa mga handaan.

Ngunit paliwanag naman ni Gutierrez sa bandang huli ay wala naman siyang nilabag na seremonya ng binyag. Hindi pa nag-uumpisa noong kinuha ang larawan na iyon. Pormal raw siyang nagsindi ng kandila kasama ang iba pang mga kapwa niya ninong at ninang. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!