Lalaki, Nag Sauli Ng P10,000 sa Bangko Matapos May Makaiwan Nito sa Isang ATM Machine







Isang matapat na lalaki ang ang nag viral pag katapos niyang mag sauli ng sampung libong piso (P10000) na naiwan sa isang ATM. Hinagaan siya ng madaming netizens dahil hindi niya itinakbo ang pera ngunit, pumunta siya sa bangko para iulat ang nawawalang pera at ipost sa kanyang Facebook account para mahanap ang may ari ng perang naiwan.

Ayon sa Facebook user na may pangalang "Aries Cave", siya ay mag wiwithdraw sana sa isang ATM ng BDO sa Waltermart Muñoz sa North EDSA, Quezon City, noong napansin niyang naiwan ng customer ang perang winithdraw nito sa ATM. Kinuha niya ang pera at binilang niya ito. Mayroong sampung pirasong tig iisang libong piso at nakita niyang nag withdraw ito ng sampung libong piso sa kanyang account. 





Nagyari ito noong 11:43 am, noong May 14. Dahil alam niyang hindi niya pag mamayari ang pera, inireport ni Aries ito sa BDO branch sa loob ng mall. Dahil hindi niya nakita ang taong nag withdraw sa kanyang harapan, alam niyang nararapat itong i-report sa BDO branch para malaman kung sino ang may ari ng perang ito. Kinuha ng branch ang perang binigay ni Aries at binigyan siya ng resibo para sa dineposit niyang pera sa bangko. Trinato bilang "over dispesnse" ang kasong ito, katulad ng makikita sa deposit slip.


Nag viral ang kanyang post sa social media at maraming mga netizens ang nag bahagi ng kanilang admirasyon para kay Aries. Madali niya sanang naibulsa ang pera at mag panggap na hindi niya ito nakita ngunit mas pinili niyang gawin kung ano ang mas tama at ito ay isauli ang pera. May ibang mga netizens naman ang hindi naniniwala sa istorya ni Aries dahil kinukuha ulit ng ATM ang perang winithdraw kapag hindi ito nakuha agad. May iba namang naniniwala na ito ay isang computer glitch o baka nag hintay ang customer ng matagal at iniwan na ang pera noong hindi ito lumabas. Ang CCTV footage sana ang mag bibigay ng paglilinaw para malaman kung sino talaga ang nag mamay-ari ng pera at kung bakit may nakalabas na pera sa ATM.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa