Lalaki Nagsisigaw Dahil Lang Nakalimutan Ng Cashier Ibigay Ang Siopao Sauce


Hindi natin maitatanggi na minsan kapag hindi kumpleto ang ating order ay nagagalit at umiinit ang ating ulo. Ngunit dapat rin nating intindihin na tao lamang tayo at nagkakamali rin.

Mayroong mga pagkakataon na ang ilang mga customers na kapag hindi naibigay ng tama o kulang ang kanilang order ay dinadaan na lang nila sa init ng ulo ang galit at sa huli ay sinisigawan, minumura, o di kaya ay ipinapahiya ang mga crew, frontliners, o cashiers.

Katulad na lamang ng isang insidenteng ito na nakunan ng Facebook user na si Rjay Nucom sa isang convenience store sa Calumpit.

Ayon sa kanyang kwento, mayroong isang lalaki na pumasok sa tindahan ng 7'11 at nagmumura agad pagpasok. Noong lumapit ito sa cashier ay ibinalibag ang kanyang biling siopao dahil diumano ay wala raw siopao sauce na ibinigay sa kanya.

Pasigaw at galit ang bungad ng lalaki at sinasabi na pinabalik pa raw siya dahil lang walang sauce na naibigay sa kanya. Noong binigyan siya ng sauce ng cashier ay nagdemand pa ito na ilagay raw niya sa plastic.

Minura pa ng lalaki ang cashier at sinabi na "ayusin mo ah" saka ito nag-walk out palabas.

Wika ng netizen na na-witness nila ang buong pangyayari habang sila ay nasa loob ng tindahan at bumibili ng GULP. Dagdag pa niya na nag-sorry raw ang cashier sa galit na lalaki ngunit hindi lamang maliwanag ang pagkakakuha sa video.

Nanghingi rin ito ng paumanhin at kahit na sinisigawan at pinapagalitan siya ng customer ay nanatili lang itong kalmado dahil alam rin niya sa sarili niya na mayroong itong pagkakamali. 

Pahayag ni Nucom, 
"Ka grabe naman po umasta kuya. Sauce lang po yan! Nanggaling din ako sa ganyang trabaho. Hindi mo alam ang pagod ng mga yan para mura murahin mo lang. Hindi naman po ata makatao tong inasta mo! 

Nakakapanlumo lang na kapwa mo pinoy minamaliit mo!

#NoToMayayabang

Narito naman ang naging reaksyon ng ilang mga netizens:

"Huwag ng magmura at mageskandalo. nakakahiya din kaya. pag alis mo pagtsitsismisaan ka. panuorin pa nila sa cctv iyan at tatandaan pa mukha mo."

"Sana pinag pasensyahan na lang kasi super pagod ang mga empleyado hindi lang iisa ang pinag coconsentrationan mga yan at mga bata pa."

"Nakakabwiset asal hayop si kuya."

"Grabe ka naman kuya sauce lang ganyan na yung galit mo akala niyo naman kung gaano na kayo kayaman. Kung umasta kayo parang kayo ang may ari ng 711."

Narito ang video:



Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera