Lumang Bente Pesos Ginupit Ng Isang Estudyante Para Sa Kanyang Assignment


Tiyak na noong tayo ay nasa elementarya ay naranasan natin ang magkaroon ng assignment o takdang aralin na kung saan pinag-aaralan natin ang mga makasaysayang tao sa Pilipinas. At para mas makilala pa sila ng mga estudyante ay pinapahanap sila ng kanilang mga guro ng mga larawan.

Noon dahil hindi pa naman uso ang computer, printer at internet ay naghahanap pa tayo sa mga lumang magasin, dyaryo, libro o mga postcards para lang magawa ang ating assignment. Pero ang isang estudyante na ito ay nagviral dahil sa kakaibang larawan na dinikit sa kanyang notebook.

Sa isang Facebook post ng netizen na si ni Ombee PiƱero, ibinahagi niya ang ginupit na larawan ng kanyang estudyante para sa kanilang naging assignment. Nagbigay kasi siya takdang aralin na kung saan kailangan nilang gumipit ng larawan ni dating pangalawang pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.

Ngunit imbes na gumupit sa libro, dyaryo o postcard ang bata ay namangha ang guro dahil ang ginupit niya ay ang larawan ng dating pangulo sa lumang bente pesos. 

Kung matatandaan ang mga pera na tulad na ito o tinatawag na "Old Generation Series" ay na-demonitized na o nawalan na ng halaga dahil pinalitan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang disenyo ng mga pera. 

Maaaring naisip siguro ng estudyante na dahil hindi naman na niya maipagbibili ang lumang bente  pesos kaya naman ito na lang ang kanyang ginupit at idinikit sa homework upang mayroong lamang siyang maipasa.

Pabiro ng isang netizen na kung sakaling wala kang printer sa bahay ay maaaring bente rin ang iyong magagastos o higit pa kung sakaling nagpa-print man siya ng picture sa labas. 

Napabilib naman ang guro at iba pang netizens sa diskarte ng bata kaya naman noong ito ay maipost ay agad itong nagviral.

Ngunit isang paalala lamang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)  na bawal itupi, punitin, sulatan, sunugin o sirain ang mga papel na pera ng Pilipinas. Ito ay mayroong kaparusahan sa batas at maaaring magmulta ng higit Php20,000 o di kaya ay pagkakakul0ng ng hindi hihigit sa limang taon.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!