Mabait Na Delivery Guy, Binigyan Ng Pagkain Ang Mga Batang Lansangan



Hangad siguro ng bawat bata na makakain sa Jollibee. Hindi lang dahil sa masasarap na pagkain kung di dahil sa saya kapag pinagsasaluhan ito. Ngunit hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataon na makakain dito sa sikat na fastfood chain na ito, katulad na lamang ang mga bata na nasa lansangan na nanlilimos o nagtitinda para lang may makain. 

Pero dahil sa mga taong may mabubuting kalooban, nabibigyan ng pagkakataon ang ilan na makatikim ng pagkain nito at mapunan kahit papano ang kanilang kumakalam na sikmura.

Isang netizen na nakilala bilang si Ramon del Prado ang nagbahagi ng isang video na kanyang nakunan habang siya ay nai-stuck sa traffic sa may ADB Ave corner Shaw Blvd mga bandang 11:00 ng gabi.

Nasaksihan kasi niya ang isang delivery man ng Jollibee na nagpakita ng kabutihang loob sa mga batang lansangan. Tinawag ng lalaki ang mga batang nanlilimos sa kalsada at saka niya ito isa-isang inabutan ng burger.

Kung iisipin, hindi naman ganoon kalaki ang natatanggap na sahod ng mga delivery man o service crew sa mga fastfood, ngunit ang di nakilalang lalaking ito ay nagawang magbahagi pa ng munting biyaya sa kanyang kapwa.

Inilagay ni del Prado sa kanyang caption,

"A cynic may think that this is all a brilliantly coordinated marketing ploy and while partially it may be true, but when you see something like this with no press, no pro camera setup (except me stuck and bored in Manila traffic), this is a rare genuinely good  Filipino company with strong values, who hire and nurture awesome people that have the same.

Kudos to the kind hearted delivery guy here, may you get a lot of blessings to come in life, and continue to stay awesome, Jollibee."

Marami ang napapahanga sa mga taong katulad ni kuya delivery man. Dahil hindi dapat hadlang kung ano ang estado mo man sa buhay upang makatulong sa iyong kapwa. Maliit man na bagay ito sa iyong paningin, ngunit hindi mo alam na sa iba ay malaki na ang ibig sabihin.

Narito ang video:

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!