Mabait Na Sorbetero Namigay Ng Libreng Ice Cream Sa Mga Nasalanta Ng Lindol



Sa panahon ng sakuna at kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, lindol, at iba pa, ang dapat nating gawin ay magkaisa at magtulungan. Hindi rason ang estado sa buhay upang hindi tumulong sa mga kapwang nangangailangan ng ating tulong. 

Katulad na lamang ng isang tindero ng ice cream na ito na namigay ng libreng pa-ice cream sa mga batang nasalanta ng lindol sa Cotabato City. 

Nasaksihan ng isang netizen na si Vonbryan Edo ang kabutihang ginawa ng sorbetero at napahanga siya kaya niya ito ibinahagi sa social media. 

Caption ni Edo,
"Kudoss to this kuya. Iyang gyud gi libre iyang ice cream para sa mga bata. May God blessed you and your family. Salamat kaayo."

Bahagi ni Edo na pumila ang mga bata sa mumunting ice cream cart ng sorbetero at saka nagsimulang mamahagi ito ng libreng sorbetes. 


Hindi naman nakuha ni Edo ang pangalan ng mamang sorbetero. Ngunit mayroong isang netizen na sinabi na Japee Palmes ang pangalan ng mabati na ice cream vendor.

Nang maipost ito sa social media ay maraming netizens ang humanga sa busilak at kagandahang loob na ipinakita ng sorbetero. Kahit hindi man kalakihan ang kinikita araw-araw ng isang nagsosorbetes ay nagawa pa rin niyang pasayahin ang mga bata na b!kt!ma ng lindol.

Narito ang mga komento ng ilang netizens:

"Yung ikaw na hikahos din pero nagawa mo pa rin magbigay ng walang kapalit. More blessings to you sir."

"At least si kuya in his smallest way, may puso sa pagtulong."

"Maliit na bagay pero malaki ang impact sa tao lalo na sa mga bata na nabigyan. Salute sayo boss."

"Ganun talaga ang tao pag willing tumulong sa kapwa, masaya ang mukha walang bakas na nagsisi siyang nakatulong sa kapwa."

"Napakabuti ng puso niya gumagawa ng paraan basta makatulong lang."

Maging inspirasyon pa sana lalo si kuyang sorbetero sa mga tao upang maging mapagkumbaba at matulungin sa kapwa. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera