Magkasintahan na Halos 44 Years ang Age Gap, Mahigit 20 na Taon Nang Nagsasama




Noon pa nating naririnig ang mga katagang “age doesn’t matter” sa usaping pag-ibig, ngunit marami pa rin ang nagtataas ng kilay kapag may nakikitang magkapareha na malaki ang agwat sa isa’t-isa lalo pa kung ang mas matanda ay ang babae. Isa sa madalas isipin ng mga tao ay pera lamang o kayamanan ang habol ng mga mas nakababata sa kanilang mas nakatatanda na karelasyon ngunit syempre ay hindi ito ang kaso sa lahat ng pagkakataon. 

Ang mga ganitong panghuhusga ang siya mismong naranasan ng magkasintahan na Renato Payos at Eloisa Gonzales na ngayon ay nasa edad na 52 at 96 na.


Nagkakilala raw noon ang magkasintahan dalawang dekada na ang nakakalipas noong nagtitinda at naglalako pa ng gulay si Eloisa. 




Negosyante si Renato at minsan siyang napagbilhan ni Eloisa at mula noon ay inaabangan na siya nito araw-araw upang bilhin ang lahat ng paninda niya para maaga siyang makauwi sa kanila. Hindi nagtagal ay nakapagpalagayan sila ng loob at nagdesisyon nang magsama sa iisang bubong. 


Ang pamilya ni Renato ay hindi sang-ayon sa naging desisyon nito at kinwestiyon siya ng mga ito kung bakit sa lahat ng mga babae na pwede nitong ligawan ay si Eloisa pa ang napili na halos pwede na maging Lola nito. Ngunit ang lahat ng ito ay binalewala lamang ni Renato at pinanindigan niya ang pagmamahal para kay Eloisa dahil dito siya tunay na masaya.



Marami ang nagsasabi na karaniwan, kapag ang babae ang mas matanda sa relasyon, malamang ay pera daw ang habol ng lalaki ngunit ito ay hindi totoo sa sitwasyon ng dalawa dahil hindi rin naman mapera si Eloisa. Hindi man pangkaraniwan ay pinatunayan ng magkasintahan na totoo ang kanilang pag-iibigan lalo pa ngayon na matanda na si Eloisa. 


Si Renato na ang halos gumagawa ng lahat para sa kasintahan dahil sa edad na 96 ay nanghihina na rin ito kaya araw-araw ay siya na ang nag-aasikaso dito at sa lahat ng pangangailangan nito pati na sa pagpapakain. Madalas niya ring ipinapasyal ito at laging sinasamahan, minsan rin ay kinakantahan niya ito upang mapaligaya.

Iba’t-iba man ang naging reaksyon ng mga taong nakarinig tungkol sa kanilang kwento ay isa lamang ang sigurado, walang sinuman ang makakahadlang pa sa pag-iibigan nina Renato at Eloisa.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!