Mahigit 10,000 Wontons ang Ginagawa ng 8 Years Old na Batang Ito Araw araw Upang Makatulong sa Kaniyang Lolo at Lola




Karamihan sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay nalilibang sa paglalaro o di kaya naman ay sa paggamit ng kanilang mga gadgets. Hindi rin kasi sila inaasahan ng mga matatanda na tumulong sa mga gawaing bahay o di kaya naman ay sa negosyo ng pamilya dahil sa kanilang edad at ibang interes sa buhay. Ganoon pa man, may ibang mga kabataan sa ating lipunan ang hindi man inuutusan ng kanilang mga magulang ay handang tumulong at nagiging kapakipakinabang para mabilis na matapos ang mga gawain sa araw-araw.

Isang halimbawa na dito ang batang taga-Tsina na nakilala bilang si Llu Minghul. Siya ay walong taong gulang pa lamang pero malaking tulong na siya sa negosyo ng kaniyang lola at lolo. Hindi nabanggit kung nasaan na ang kaniyang mga magulang ngunit ayon sa mga lumabas na balita ay lumaki siya sa mga matanda at doon na rin nagkaroon ng isip.


Habang lumalaki ay nakikita niya kung ano ang araw-araw na ginagawa ng mga ito bilang preparasyon sa kanilang negosyo na isang kainan. Nagbebenta sila ng wonton noodles at talaga naman dinadayo ito ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa masarap na pagkakaluto. 

“I saw a genuine curiosity in him, I knew he was going to pick up fast and surely. Look at him now, he’s a better chef than I am,” pagkukwento ng kaniyang lolo.


Dahil nga nakita ng matanda ang interes ng bata sa kanilang negosyo ay tinuruan niya ito kung papaano ginagawa ang mga wonton at nagulat sila dahil mabilis itong natuto at nakakatulong ng malaki upang makagawa sila ng maraming wonton sa loob ng isang araw.




Umaabot sa halos 10,000 na wonton ang nagagawa ng mag-anak at tumutulong dito si Llu kasama ang kaniyang kapatid. Sa katunayan ay nakakapagbenta sila ng mahigit sa 400 wonton noodles kada-araw at sa kabila nito ay hindi nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral 

“They were both sensible kids, and had academic performance too. We never really had trouble raising them or telling them what to do. They just followed us one day and picked up an interest in learning the trade on their own,” dagdag pa ng lolo ni Llu.




Talaga namang nakakamangha ang batang ito dahil sa murang edad ay naging katuwang na ng kaniyang lola at lolo sa kanilang negosyo.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa