Marami Ang Napabilib Sa Isang Batang Tindero Na Naglalako Ng Paninda Habang Binabalanse Ang Tatlong Kahon Sa Kanyang Ulo



Mayroong mga bata na dahil sa hirap ng buhay ay kailangan nilang huminto sa pag-aaral at magtinda na lang upang may ipangkain araw-araw. Sa murang edad ay naeexposed na sila sa lansangan at minsan ay buwis buhay pa ang kanilang ginagawa para lang magkapera.

Katulad ng isang 14 taong gulang na batang ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media dahil isang netizen na kinilala bilang si Bruce Dolores ang nakasaksi sa balancing act ng batang tindero at saka iniupload ang video nito sa Facebook.

Ayon sa netizen ay napabilib siya sa bata dahil sa ginagawang pagbabalanse ng tatlong kahon sa kanyang ulo na mayroong mga laman na paninda habang siya pa ay nagbibisikleta.

Nakilala ang bata bilang si Mark Anton Navarro na taga ParaƱaque City. At ang kanyang mga tinitinda ay mga kakanin at Yakult. 

Ayon sa isang interview, nagsimula raw si Mark na magtinda ng palitaw noong siya ay 10 taong gulang pa lamang at humiram lamang ito ng bisikleta sa kanyan kaibigan.

Pagkatapos niya ng Grade 6 ay huminto siya sa pag-aaral upang magdeliver ng mga paninda na iniluto ng kanyang ina. Gamit ang mga sira-sirang plastic na kahon ay doon niya inilalagay ang kanyang mga paninda at saka niya ito inilalako habang siya ay nagbibisikleta. 

Nakakabilib dahil hindi madali ang magbalanse ng tatlong kahon na mayroon pang laman na pagkain. Pero dahil kailangan niyang maibenta iyon kaya walang siyang choice kundi gawin na lang iyon. 

Payo ni Mark na mag-ingat na lang sa mga motor habang nagbibisikleta upang maiwasan ang anumang aks!dente. Ngunit kahit na ganoon pa man, ay delikad0 pa rin ang kanyang ginagawa lalo na pa't maraming mga malalaking sasakyan sa kalsada. 

Noong nagviral ang kanyang istorya ay mayroong mga taong nag-abot ng tulong sa bata. Bahagi ng netizen na si Bruce ay narinig raw niya na bibigyan raw ng bagong bike si Mark na mayroong tatlong gulong. Ito ay isang E-bike na kung saan magiging panibago niyang sasakyan habang siya ay nagbebenta ng mga kakanin na luto ng kanyang ina.

Panuorin ang video kung paano niya ginagawa ang pagbabalanse ng tatlong kahon sa kanyang ulo.


Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera