Netizen Nanawagan Sa Mga Call Center Agents Na Panatilihing Malinis Ang Labas Ng Kanilang Opisina


Minsan dahil sa stress na dulot ng trabaho ay naghahanap ang mga empleyado ng kanilang pampalipas oras lalo na kapag break time nila. At isa sa mga paboritong gawin ng karamihan ay ang tumambay muna sa labas ng opisina, magkape, o di kaya ay magy0s!. 

Kadalasan na mapapansin ang ganitong set-up sa mga BPO offices o mga call center offices dahil na rin sa oras ng kanilang trabaho. Minsan ay kinakailangan muna nila magbreak at magrefresh upang magkaroon muli ng enerhiya para sa kanilang trabaho.

Ngunit ang isang netizen na si Katrina Macasa ay may panawagan sa mga call center agents na mahilig tumambay sa isang lugar sa may Quezon City. Ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Facebook post ang kanyang nakunang larawan sa sidewalk ng Eton Centris na kung saan nagkalat ang mga pinaggamitang mga paper cups at mga upos ng s!garily0.

Caption niya,

"Sa mga call center agents na nagyoyosi sa sidewalk ng EtonCentris. Maawa naman kayo sa mga naglilinis. #hiyahiyadin #mgabasuraniyo"

Makikita kasi sa larawan na pinagtatapon na lamang ng mga tumambay doon ang kanilang mga pinaggamitang mga paper cups sa may plant box. Nagkalat din doon ang mga plastic at mga pinaglagyanan ng pagkain.

Sa isang larawan naman ay makikita na mayroong mga maintenance staff na naglilinis at nagpupulot ng mga nasabing basura.

Nadismaya naman ang ilang mga netizens sa ganitong pag-uugali ng mga Pinoy. Narito ang kani-kanilang komento tungkol dito.

"That's so disturbing. Everytime nakikita ko yan, can't help na di mainis."

"Ang dudugyot! Parang mga walang pinag-aralan! Kahiya hiyang ugali!"

"Walang disiplina sa sarili ang mga taong ganyan! Sana mahiya naman kayo sa mga sarili niyo!"

"Kaloka nohh. Kakalinis lang niyan ayan na naman sila."

Sa ngayon ay umabot na ng 3.9k likes at 6.9k shares ang post na ito. 

Sana bilang mga mamamayan ay matuto tayong maglinis sa ating kapaligiran. At ang basura ay itapon lamang sa tamang lagayan hindi kung saan saan. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa