Netizens, Hinangaan Ang Isang Masipag Na Estudyanteng May Bitbit Na Paninda Sa Eskwelahan



Mayroong mga estudyante na kinailangan nilang pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap buhay upang may maipangtustos sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan. Gustuhin man nila o hindi, kailangan nilang kumayod ng doble para lang kumita ng pera.

Ang nakakabilib pa sa ilang mga estudyanteng ito, ay nagagawa nilang dalhin pa sa eskwelahan ang kanilang mga paninda at ibenta ito sa kanilang mga kaklase. 

Isang netizen ang napahanga sa isang lalaking estudyanteng ito na nasa kanyang 3rd year na nakita niyang naglalakad sa daan galing eskwela habang bitbit ang kanyang mga paninda.

Wika ng netizen na nagshare ng larawan na si Analyn Pacao- Marco,

"I saw this student of a Community College in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang gma paninda. I can't help but to get inspired people like him. When you see people working hard for their future, nakakahiya mag-reklamo na ang hirap ng buhay. I am still blessed that I have a Mom, a Lola, Uncle Steve and relatives who helped me finish my degree. Every new day is a blessing, to make it better than yesterday."

Dagdag pa niya,

"To those students na ang hilig mag-complaon na ang hirap mag-aral, petiks mode lang, be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. Ang suwerte niyo, PROMISE. And to this man na nasa picture, malayo mararating mo (hindi sa paglalakad at pagtitinda). God Bless You."

Naispire rin naman ang mga netizens sa kasipagan ng estudyante at nagbigay ng kani-kanilang mga payo sa mga estudyanteng hindi pinagbubutihan ang pag-aaral.

"Marami nga jan pinag-aaral na nagagawang unahin ang barkada at lakwatsa. Malapit na nga sa school angal pa rin na nahihirapan. Di man mag-isip mas mahirap magtrabaho para lang makapag-aral sila."

"Poverty of lack of financial support is not an excuse not to have a good education."

Sa mga estudyante, dapat na pahalagahan ang edukasyon at huwag sayangin ang bawat minuto na makapag-aral. Dahil ito rin ang mag-aangat sa iyo sa buhay. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa