Pa-Aguinaldo Ng Isang Ninong, May Nakakatawang Mensahe Sa Loob


Tuwing sasapit ang pasko ay inaasahan ng mga inaanak na mabigyan sila ng regalo ng kani-kanilang mga ninong at ninang. Makikita ang mga bata na masaya habang hawak ang pulang maliit na envelope na kung tawagin ay 'angpao' na mayroong lamang pera sa loob na mula sa mga nagbigay  

Nauuso ang kris-kringle na kung ano-ano ang mga tema. At tuwing ganitong panahon din, nauuso ang kung ano-anong pakulo ng mga nagbibigay ng regalo.  Ngunit ang isang ninong na ito ay may nakakatuwang mensahe sa kanyang inaanak.

Ibinahagi ng netizen na si Jarynil Lao Burlado sa isang Facebook post ang isang larawan ng isang pulang envelope na tila may nakalabas na P1,000. Makikita sa unang tingin na naglalaman ito ng pera na tila pa-aguinaldo ito ng isang Ninong na hindi naman pinangalanan.

Paghatak ng pera sa loob ay kalahating larawan lang pala ito ng isang libong piso at may nakakatuwang mensahe na nakasulat. 

"Magtrabaho ka!  
30 Years ka nang namamasko.
Merry Christmas!

Love,
Ninong"

Maraming netizen ang natuwa sa unique na ideya ng ninong na ito dahil kahit na hindi niya binigyan ng totong pera ang kanyang inaanak ay hindi naman niya ito nakalimutang batiin ng Merry Christmas. Mayroong pa rin kasing mga inaanak na kahit matanda na sila ay nanghihingi pa rin ng mga regalo o aguinaldo sa kanilang mga ninong at ninang.

Sa dami ng gastusin ngayon at dami ng mga inaanak, ang ilang mga ninong at ninang kasi ay ninanais na lang na magtago at huwag magpakita sa kanilang mga inaanak. Kaya naman tuwing kapaskuhan ay sila naman talaga ang most wanted. 

Wika pa ng ilang mga netizens kung mayroong bang layout na tulad nito para masubukan rin nilang gawin ito sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak sa pasko. Tiyak na matatawa na lang rin ang makakatanggap nito. Ika nga sa kasabihan, "It's the thought that counts."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class