Pamilyang Pacquiao, Ipinasilip ang Kanilang Beverly Hills Mansion na May Halagang 12 Million Dollars



Ang pamilya ni Manny Pacquiao ay lumipad ng Amerika noong July 20 bago ang laban niya sa boksingerong Keith Thurman sa Las Vegas. Bago ang laban, ang kanyang asawang si Jinkee Pacquaio at ang lima nilang anak ay nanirahan sa kanilang mansion sa Beverly Hills sa California.


Noong makalipas na buwan, naging laman ng balita ang pagnanakaw sa loob ng kanilang mansion sa Las Vegas habang lumalaban si Pacquiao kay Adrien Broner kung saan nanalo ang pilipinong boksingero. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Jinkee na dumaan sa isang malaking makeover ang kanilang mansion pagkatapos ng pangyayari.

Ang kanilang Beverly Hills mansion ay dinesenyuhan ng malilinis na linya at mga neutral na kulay. Ipinakita ni Jinkee sa kanyang Instagram account na siya ay nakarating na ng Amerika sa pamamagitan ng pag post ng kanilang dining table. Ang kanilang dining room ay may gray na carpet at Edison bulbs na nasa loob ng glass bubbles upang magdagdag sa minimalist nitong set up. Makikita naman sa top view ng ng kanilang bahay ang kahoy na hagdan at mga halaman sa ibaba nito. 





Binigyan naman ng 'airy feel' ang mga floor-to-ceiling glass panels na makikita sa larawan ng living area. Makikita mo din ang swimming pool sa labas at isang malaking sofa at flat screen TV sa kanilang living room. Nabili ng mag asawang Jinkee at Manny Pacquiao ang mansion na ito noong taong 2015 sa kilang rapper na si Sean "P. Diddy" Combs. Ang kanilang Beverly Hills mansion ay mayroong pitong kwarto at walong banyo.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!