'Pasta Straw' na Ginagamit sa mga Bar sa Italya, Isang Magandang Pamalit para sa mga Plastic Straw




Batid nating lahat ang pinagdadaanang krisis ng ating mundo patungkol sa nakababahalang pagdami ng bilang ng mga plastic na hindi kaagad-agad natutunaw kahit na lumipas ang mahabang panahon. Malawak ang sakop ng negatibong epekto nito hindi lamang sa ating mga tao kundi lalo na sa mga hayop sa ating karagatan na walang magawa para protektahan ang kanilang sarili.


Kaugnay nito, nakakatuwang makita na kaliwa’t kanan ang mga solusyon na inihahain at ginagawa ng ating gobyerno maging ng mga pribadong sektor at indibidwal para unti-unting mabawasan ang paggamit ng mga plastik sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang ilan pa nga sa kanila ay nagkaroon ng mga organisasyon at bawat miyembro nito ay nangako sa kanilang sarili na kalianman ay hindi na sila gagamit ng mga plastic bottles o plastic straws sa lahat ng pagkakataon.

Samantala, kamakailan lang ay nagulat at namangha ang mga netizens sa naging viral na balita patungkol sa paggamit ng ‘bucatini pasta’ bilang straw sa mga inumin!




Ito ay ibinahagi ng netizen na si GranFabio base na rin sa kaniyang naging karanasan sa isang bar sa Italya.

“Here in Italy bars are starting to use pasta as straws to reduce plastic use. Our technology amazes the world another time.”


Ang ideyang ito ay pinasimulan at ginawang negosyo ni Maxim Gelmann. Pinangalanan niyang “Stroodles” ang mga pasta straw na mukhang nagmula sa pinagsamang ‘straw’ at ‘noodles’. Ito ang nakakatuwang paraan na naisip nila para makatulong sa layunin na mabawasan ang bilang ng paggamit ng plastic sa buong mundo.




“The approach is to do it in a fun and non-preachy, non-finger-pointing manner. I rather aim for people to engage with Stroodle and then start asking themselves the right questions, like ‘Why is there a pasta straw in my drink?’ Thus, little realizations like that and them coming in their own conclusions, rather than being sold/preached…maybe next time one is offered a plastic bag, they will behave differently.” – Maxim Gelmann.


Ayon pa kay Maxim, ang mga pasta straw ay maaring magtagal hanggang isang oras ng paggamit sa malamig na inumin. Samantala, hindi nila ipinapayo na gamitin ito sa maiinit na inumin dahil matutunaw ito at hindi na magagamit ng maayos.

Malaking tulong ang ideyang ito para sa layuning mabawasan ang mga single use plastic straw sa mga restaurant. Ikaw, may ginagawa ka bang aksyon para makatulong sa pangangalaga ng ating kalikasan?

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa