Pinasilip sa Publiko ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang Kaniyang Bagong Condo Unit sa Makati




Pagkatapos ng dalawang taon, nakalipat na rin sa wakas si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang bagong condo unit. Noong nakaraang linggo, ipinasulyap ni Pia Wurtzbach sa kanyang mga Instagram followers ang kanyang bagong condo unit sa The Milano Residences sa Makati City. Inupload niya ang kanyang maaliwalas na kwarto gamit ang Instagram Story na may caption ng "Moving in to my new home...".




Napansin ng madaming netizens na magaganda ang kanyang mga napiling gamit sa bahay at appliances sa kanyang bagong condo unit. Para sa kanyang make up room, pinili ni Pia ang kulay itim at puti. Samantala, nag mukhang marangya ang kanyang banyo dahil sa mga tiles nitong marmol. Ibinahagi ni Miss Universe 2015 at aktress ng My Perfect You na nag simula siyang tumira sa kanyang bagong condo unit noong Holy Week,  ngunit nasa proseso pa siya ng pag bili at pag lipat ng kanyang mga gamit noong Abril. Ang napiling tema ni Pia para ay mid-century modern style para sa interior ng kanyang bagong condo unit. Nagpatulong si Pia sa Heim Interiors of Hurray Interior Design Group para dekorasyunan ang condo niya. 


Noong Disyembre ng taong 2017, ipinahayag niya sa kanyang social media kung gaano siya nagpapasalamat sa Panginoon para sa kanyang bagong bahay. Sinabi niya din na noong panahong sumasali pa lamang siya sa Binibining Pilipinas, nakikitira lamang siya sa kanyang kaibigan ng sampung buwan at noong nanalo siya bilang Miss Universe Philippines, nag pasya siyang mag renta ng isang maliit na apartment sa Cubao. Pag katapos niyang manalo bilang Miss Universe 2015, nag ipon siya ng pang bili ng bahay dahil ayaw na niyang bumalik sa dati niyang kalagayan.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa