Residente Nagrereklamo Dahil Hindi Makadaan Dahil Sa Pagsemento Ng Kanilang Buong Kalsada



Marami sa mga kalsada ngayon ang pinapalawak at inaayos. Ngunit minsan ang pagsasaayos na ito ay nagdudulot rin ng perwisyo sa mga motorista kahit papano. Minsan dahil sa mabagal na paggawa kaya ito mas nagkakaroon pa ng trapiko at wala ng madaanan.

Ngunit ang isang residente mula sa Amapola Street sa Pembo, Makati ay inirereklamo ang ginawang pagsemento ng kanilang kalsada. Oo nga at magiging maluwag at patag ang kanilang daan ngunit sa ngayon naman ay hindi makauwi at makadaan ang mga residente dahil buong kalsada ang sinemento imbes na tig kalahati muna. 

Ibinahagi ito ng netizen sa isang post sa kanyang Facebook account at sinabi,

"UPDATE! So paano pa ngayon uuwi ang mga taga Amapola kung buong kalsada ang sinemento niyo? Hindi ba dapat isang side muna. Tapos yung isang side ulit? Bigyan ko kaya ng essential oil pang focus at pampa-talino yung nakaisip nito?

PS: Pinuntahan po ako ng Engineer at Contractor para i-explain kung bakit nila sinemento ng buo ang aming Street. Hindi daw po pu-pwedeng isang side lang muna ang gawin dahil pag dumaan daw po ang mixer matitibag daw po yung unang side na ginawa at dahil hindi raw sila makakapasok gawa ng daanan and line canal. Pati wiring daw po mababa matatamaan daw po."

Sang-ayon naman ang mga residente sa pagsasaayos ng kanilang kalsada. Ngunit kung ganito ang kanilang magiging sitwasyon na kung saan ang kanilang mga sasakyan ay hindi makalabas at walang madadaanan ay talaga namang malaki itong perwisyo sa kanila.

Ang magiging resulta pa nito sa bandang huli ay puro mga bakat ng paa ng mga tao na dumadaan papunta at pauwi sa kanilang mga bahay.

Wika ng isang netizen na paano na lang kung may emergency. Hindi naisip ito ng mga gumawa at mukhang minadali na lang talaga ang pagsemento sa kalsadang ito. 

Dahil sa post na ito, maraming netizens ang bumatikos sa mga gumawa ng kalsadang ito sa Amapola Street. Narito ang kani-kanilang pahayag at komento.

"That is the stupidest thing I've ever seen. Masaklap pa niyan walang abiso."

"Hala di na makalabas yung nasa loob ng bahay."

"Mag-adjust ka na, lumipad ka ganun."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class