Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!




Isa sa pinakamahal na smartphone ang brand ng iphone at karamihan nga sa atin ay hanggang pangarap nalang ang pagkakaroon ng ganitong telepono lalo na yaong bagong labas na modelo. Kaya naman todo ingat tayo kung sakali man na magkakaroon tayo ng pagkakataon na magmay-ari ng isang iphone. Ayaw natin itong nagagasgasan o di kaya naman ay malaglag dahil maaaring itong masira at hindi na mapakinabangan pa. Ganito ang nangyari sa isang babaeng Malaysian na kamakailan lang ay nag-viral online matapos malalag ang kaniyang telepono at mabasag ang screen nito.

Sa kaniyang Twitter account ay ibinahagi niya kung papaano agad-agad na napalitan ang kaniyang nasirang iphone 6 ng bagong-bagong iphone 11!

"(My) phone cracked and I got a new one immediately. Thank you, I owe you a lot.”




Ayon sa kwento ng dalaga sa mStar, nasa One Utama siya noong ika-3 ng Nobyembre para mag-shopping at habang naglilibot-libot ay aksidenteng nalaglag ang kaniyang telepono sa sahig at dahil sa lakas ng pagkakabagsak ay nabasag kaagad ang screen nito. Sinubukan niyang gamitin muli ang telepono ngunit hindi na ito gumagana ng maayos kagaya ng dati. Dahil sa kaniyang pagkadismaya ay hindi niya napigilang mag-chat sa matalik niyang kaibigan at ibinahagi ang nangyari sa kaniya.




Tinanong ng lalaki kung nasaan siya ng mga panahong iyon at matapos sabihin ang kaniyang lokasyon ay agad itong dumating na may dalang sorpresa para sa dalaga. Nang magkita nga ang dalawa ay iniabot ng lalaki ang isang supot na may lamang bagong telepono sa loob. Noong una ay ayaw itong tanggapin ng babae ngunit hindi nagtagal ay napilit din siyang kunin ang maagang pamasko mula sa kaibigan. 


Laking gulat niya na makita ang logo ng iphone sa kahon at nang buksan niya ito ay hindi siya makapaniwala na iphone 11 ang agad na naging kapalit ng nasira niyang telepono. Lubos siyang nagpasalamat at niyakap ang matalik na kaibigan na nakakasama niya simula noong bata pa lang sila.

Dahil nga dito ay maraming netizens ang nainggit sa babae at ang ilan ay nangangarap na sana ay magkaroon din sila ng galanteng kaibigan na magbibigay ng gusto nilang regalo sa paparating na Pasko.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!