Siya ang Kinilalang Pinakabatang CEO sa Pilipinas na Nagmamay-ari ng Isang Sikat na Beauty Products Ngayon




Isa nanamang inspiring story ng isang netizen na hindi mo aakalain na kinilala pala bilang isa sa mga pinakabatang CEO sa Pilipinas ngayon ang kamakailan na nag viral sa social media dahil sa kaniyang kwento.

Si Glenda Victorio na mula sa Morong, Rizal ay nagsimulang maghanap ng pagkakakitaan mula pa lamang noong siya ay 12 anyos. Lumaki ito kasama ang Lola nito dahil ang mga magulang niya ay hiwalay na at ang ina nito ay iniwan na siya sa poder ng kanyang lola noong siya ay 2 taong gulang pa lamang, kaya naman natuto agad itong dumiskarte para matustusan ang mga pangangailangan nila sa araw-araw. 


Nagsimula ito sa pagbebenta online ng kung anu-anong mga bagay na nabibili nito sa Divisoria at nagtrabaho rin ito bilang virtual assistant sa mga international na kumpanya. Hindi rin nito pinalampas ang mga patimpalak sa mga baranggay at sige rin ito sa pagsali sa mga beauty pageants. Minsan rin itong sumubok na sumali sa palabas na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ngunit hindi ito pinalad na makapasok. Kalaunan rin ay nasisante ito sa trabaho nang malaman ng mga kumpanya na ito ay isang menor de edad.

19 anyos SIYA noong lumala ang kondisyon ng mukha nito dahil sa pinagsama-samang pagod, puyat at stress kaya nagsimula siyang sumubok gumamit ng iba’t-ibang produkto upang maibalik sa dati ang kalagayan ng balat nito. 




Dito na rin ito nagsimulang magbenta ng mga pamahid, sabon at iba pa na pwedeng gamitin sa balat. Kalaunan ay nagdesisyon itong sumubok na gumawa ng sarili nitong produkto at ang una nitong ginawa ay ang sabon na gawa sa activated charcoal. 


Ginamit muna nito ang sabon at nang maganda ang naging epekto nito sa sariling balat ay sinubukan niya itong ibenta.



Hindi nagtagal ay may mga bumili ng kanyang produkto at dumami ang kanyang mga distributor hanggang sa nadagdagan nang nadagdagan ang mga ibinebenta niya. Maingat nitong sinunod ang lahat ng kinakailangan upang maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanyang mga produkto at tuluyang maging legal ang kanyang negosyo. 


Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 2000 resellers at higit sa 300 na distributors sa buong bansa. Naparangalan ito ng Gawad Award Amerika sa Hollywood California kung saan opisyal itong kinilala bilang 2018 Youngest Filipino CEO in the Field of Cosmetics and Skin Care ngayong taon nitong nakaraang ika-18 ng Agosto lamang.

Ngayon ay kinilala si Glenda na isa sa pinakabatang CEO sa Pilipinas dahil sa kaniyang success sa negosyo.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda