Syrian Vlogger Pinakyaw Ang Mga Bigas Sa Pampanga Upang Idonate Sa Mga Taga Mindanao


Dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas sa ating bansa ngayon, maraming mga magsasaka ang naghihirap at bagsak presyo na rin ang pagbebenta ng kanilang mga ani. At dahil dito, mayroong ibang mga bigas na hirap na nilang maibenta.

Pero isang Syrian vlogger na nakilala bilang si Basel Manadil ang nagpakita ng kabutihang loob hindi lamang para makatulong sa mga magsasaka at bumili ng palay kundi para idonate ang mga bigas na ito sa mga taga Mindanao na nasalanta ng lindol.

Ang vlogger na ito na mayroong Youtube Channel na The Hungry Syrian Wanderer ay nagmaneho pa-Norte upang makahanap ng mga magsasaka na nagtitinda ng kanilang sariling ani. At sa apat na oras na pagbi-byahe ay napadpad siya sa bayan ng Floridablanca sa Pampanga.

Aniya, nakilala niya ang isang 71 taong gulang na magsasaka na makikitang nakaupo sa may tabi ng kalsada habang nagbebenta ng mga sako-sakong palay kahit na sa kasagsagan ng init ng araw.

"Pinakyan ko na ang lahat ng panindang bigas ni Tatay. Mga tunay na BAYANI! Kung wala sila, wala tayong pagkain sa mesa. Saludo po ako sa mga local farmers.

LINDOL KA LANG, FILIPINO KAME. HELP UNTIL IT HURTS."

Hinangaan pa niya ang magsasaka na nagtitinda ng bigas dahil kahit matanda na ito ay nakakaya pa rin niyang magbuhat ng mga sako ng bigas. 

"Don't wait for good things to happen to you. If you go out and make some good things happen, you will fill the world with hope, you will fill yourself with hope.

I just want to use this platform to help those who are in need and to send awareness. If I can do it, you can too. Spread Kindness and Positivity."

Hinangaan naman ang Syrian vlogger ng mga netizens dahil sa taos puso niyang pagtulong sa mga taong nangangailangan ng tulong sa Mindanao. Isa man siyang dayuhan ngunit makikita ang pagmamahal niya sa Pilipinas kaya naman itinuring rin niya ang kanyang sarili na, "The Adopted Son of the Philippines."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse