Tignan ang Regalo ng Lola at Lola na Ito sa Kanilang Apo na Harry Potter Playhouse na Napakalaki!




Tunay ngang hindi matutumbasan ang pagmamahal ng mga lolo at lola sa kanilang apo.  Ang iba ay mas mahal pa daw ng Lolo at lola ang kanilang mga apo kaysa sa kanilang anak kaya minsan hindi kataka-taka na ang mga lolo at lola ay isa sa mga dahilan din ng pagiging spoiled ng mga apo dahil sa kanilang labis na pagmamahal na madalas ibinibigay nila ang gusto nito.

Katulad na lamang ng istorya na naibahagi sa social media nang bigyan ng lolo at lola ang kanilang apo ng isang surpresa na regalo!

Niregaluhan lang naman ng Lolo at Lola ang kanilang apo ng "Harry Potter Inspired Playhouse" na kung saan ay hindi lamang ito basta laruang play house na inyong nakikita sa mga mall at tindahan dahil ito ay may sukat na halos life-sized o para bang maliit na itong bahay. Ang Harry Potter-Inspired playhouse ay hango o may kahalingtulad na replica sa Hogwarts na makikita sa palabas ng Harry Potter.


Ayon kay Dave at Ruby Dunlop ng Spencerville Ontario ay talagang gustong gusto nila ang kanilang apo kaya naisipan nila itong regaluhan ng isang espesyal na regalo. Dahil sa mahilig ang lola at lola sa panonood ng Harry Potter, naisipan nilang magpagawa ng miniature Hogwarts playhouse para sa kanilang apo.





Ang pinagawang playhouse ng Lolo at lola ay mayroong desinyong kastilyo, kung saan matatagpuan din dito ang Ollivander's wand shop at ang Platform 9 3/4 na makikita sa totoong palabas. Dagdag pa dito ay makikita din ang ilan sa mga detalya na katulad ng larawan ng wizard na si Albus Dumbledore.




Si Tyson Leavitt of Charmed Playhouse ang gumawa sa proyekto kung saan ito ay inabot ng anim na linggo bago matapos ayon sa mag-asawa. Nadagdagan pa ito ng tatlong araw para mabuo ang hardin sa likod ng kanilang bahay na talaga namang nakadagdag ng ganda sa playhouse ng kanilang po.


Narito ang mensahe ni Tyson Leavitt of Charmed Playhouses, " The Dunlops are elated to have the playhouse in their backyard as it will become the pinnacle of family memories for years to come."



Masasabing napakaswerte talaga ng mga batang mayroong nagmamahal na magulang at lolo’t lola na laging nadiyan para sumoporta sa kanilang apo. Kaya naman kung kayo ay magulang at nabubuhay pa ang inyong nanay at tatay ay wag niyong kalimutan na magpasalamat at iparandam sa kanilang ang inyong pagmamahal .

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!