Tinawid ng Magkasintahan ang Mataas na Baha at Putik Para Lamang Matuloy ang Kanilang Kasal!




Sa bawat kasal na ating dinadaluhan ay madalas nating marinig ang ilang kataga na nagsasabing "sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan." Isa ito sa mga pangako na ginagawa ng dalawang indibidwal na nagdesisyong maging isa sa harap ng altar sa bisa na rin ng tinatawag nating 'kasal.'

Hindi ganoon kadaling panindigan at patunayan ang mga pangakong ito lalo na at iba't ibang pagsubok ang maaaring ibato sa atin ng tadhana sa hinaharap na hindi natin alam kung atin bang makakayanan. Kaugnay nito, isang magkasintahan ang mukhang hindi na kailangan pang antayin ang hinaharap bago nila mapatunayan ang kanilang pag-ibig sa isa't isa dahil bago pa man sila magbitiw ng kanilang mga pangako sa harapan ng altar ay sinubok na kaagad sila ng tadhana.

Ang viral na kwento ng magkasintahang ito ay ibinahagi sa Facebook ng kanilang pamangkin na si Joy Ann Fernandez.




"Ang kanilang Pag ibig ay parang baha at ulan din hindi rin mapipigilan. Ito talaga ang tunay na nagmamahalan. Congratulations both of you tita."

Makikita sa ilang larawan na walang pag-aalinlangang naglakad ang dalawa sa putikang daan at tumawid sa ilog habang suot ang kanilang magagandang damit pangkasal. Kahit na ganoon ang kanilang pinagdaanan sa kanilang espesyal na araw ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa kanilang labi at sabik na sa kanilang pag-iisang dibdib sa simbahan.



Ayon sa kwento ng bride-to-be na si Gina, hindi niya inaasahan na uulan ng malakas sa araw ng kaniyang kasal dahil bago pa man ito ay maganda naman ang panahon sa kanilang lugar. Dahil nga sa baha at putik na dulot ng ulan ay hindi na kinaya pang makadaan ng sasakyan na dapat sana ay maghahatid sa kanila sa simbahan.


Ang tulay naman na ginagamit nila sa pagtawid ng ilog ay may kalayuan at maaaring mahuli sila sa ceremonya kung doon sila dadadaan kaya naman minabuti ng kanilang pamilya na sa 'short cut' nalang dumaan- ito ay ang pagtawid mismo sa ilog.




Nakaraos nga sila at nakarating ng ligtas sa simbahan kahit na basa ang kasuotan ng bride na si Gina at groom na si Joey. Sa huli ay sama-sama nilang ginawa ang sagradong ceremonya ng kasal at umuwing masayang-masaya dahil kahit na marami silang pinagdaanang pagsubok ay natupad rin sa wakas ang pangarap nilang maging isa sa harapan ng Diyos at ng tao.


Mabuhay kayo Gina at Joey! Nawa ay patuloy na maging matibay ang inyong pagsasama kahit na anupaman ang ibato sa inyo ng tadhana.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!