Tindahan Na "Sana Mall" Ang Pangalan, Kinaaliwan Sa Social Media


Naging malikhain na ang mga Pinoy ngayon pagdating sa pangalan ng kanilang mga business. Dahil mas nakaka-engganyo nga naman sa mga customers kapag ang pangalan ng iyong negosyo ay madaling matandaan. 

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang isang tindahan na mayroong pangalan na "Sana Mall" na hinango sa sikat na linya ngayon na "Sana All." Mapapansin din na inilagay sa pangalan sa baba ang initial nito na "S.M." na maaari ring ibinase sa supermall na ShoeMart.

Ibininahagi ng isang Facebook page na News5 ang larawan ng tindahan na kuha ng JA N MAC. Hindi naman talaga ito isang mall ngunit nagtitinda ito ng iba't ibang mga paninda tulad ng softdrinks, tubig, sabon, payong, at mga damit.

Caption nito:

"Taba talaga ng utak ng nakaisip ng pangalan ng tindahang ito sa Batan, Aklan. Ikaw kapatid, i-share mo rin yung catchy business name na naiisip mo."

Samantala, maraming netizens ang natuwa at ang ilang ay nagbahagi rin ng mga ilang mga nakakatuwang pangalan ng business. 

Katulad na lamang ng netizen na ito na ang sabi:

"Nakita ko lang kanina nung nagpa shop ako ng motor ko. Hindi po mga turista makikita niyo dito kundi mga stainless pots."
Isang larawan ng karinderya rin ang ibinahagi ng netizen na si Sicnarf Evralo dahil sa nakakatuwang pangalan nito na Jollikod na hinango sa Jollibee. Saad niya na isa raw itong kainan sa likod ng Jollibee sa Albay kaya naging "Jollikod."
Isang tindahan naman ng bigas sa Paete ang nagpangalan ng kanyang negosyo na "SupRice."
Wika ng ilang netizen na malay natin balang araw na baka ang pangarap ng may-ari ng tindahang ito ay maging isang totoong mall nga ang kanyang tindahan. Tulad na lamang ng may-ari ng SM Supermalls na si Henry Sy na nagsimula lang din noon sa maliit na tindahan, pero ngayon naman, siya lang naman ang nag-mamayari ng mga naglalakihang malls dito sa Pilipinas. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!