Tinulungan ng Limang Pulis ang Isang Matandang Babae sa Abra na Mag-Ani ng Palay! Saludo Kami Sainyo!




Pahirap na ng pahirap ang buhay ng mga kababayan natin katulad na lamang ng mga magsasaka at ibang mga local vendors lalo na at maraming pagkakataon na sumasalungat sa kanilang kapakanan ang ilan sa mga naipapatupad na batas sa ating bansa. Isang halimbawa na dito ang mga local farmers o magsasaka na halos buong buhay at panahon nila ay iginugol na sa pagtatrabaho sa palayan ngunit hindi pa rin ito sapat para madama nila ang ginhawang matagal ng inaasam-asam.

Panahon na naman ng anihan ngayon ngunit tila ba nagtatrabaho lang para sa wala ang mga magsasaka lalo na at umaabot nalang sa sampung piso kada kilo ng palay ang bentahan sa ilang lugar sa Pilipinas. Matagal na silang humihiling na ito ay taasan ngunit tila ba matagal pa bago sila mapagbibigyan ng ating gobyerno.


Sa kabutihang palad ay mayroong mga piling indibidwal at pribadong sektor sa ating lipunan ang mayroong hangarin na kahit papaano ay mapagaan ang pasanin na dinadala ng mga kababayan nating magsasaka. Kagaya na lamang ng limang pulis sa Pidigan, Abra na kamakailan lang ay pinag-usapan sa social media dahil sa halip na baril ang kapares ng kanilang kagalang-galang na uniporme ay tabak na panabas ng palay ang hawak ng mga ito.



Nagpapatrolya noon sa lugar ang mga pulis na pinangungunahan ng kanilang kapitan na si Police Captain Facundo Guinsad nang mapadaan sila sa isang malawak na palayan at makita ang isang matandang ginang na mag-isang nag-aani ng mga palay. Agad na bumaba sa kaniyang sasakyan ang kapitan at kasama ang apat pang pulis ay nilapitan nila ang ginang at tinulungan sa ginagawa nito.




Nakuhanan ng ilang larawan ang ginawang patulong ng mga pulis na ito at ibinahagi nila ito sa Facebook account ng Pidigan MPS. Ayon kay Captain Facundo, ito ay isa sa mga paraan nila para mapalapit sa mga taong kanilang nasasakupan at bilang isang indibidwal ay masaya silang makatulong sa kapwa sa anumang paraan na kaya nila.


Samantala, saludo ang mga netizens sa ginawang pagtulong ng mga pulis sa ginang at hindi man ito pagtulong sa panahon ng giyera o sakuna ay itinuturing parin nilang bayani ang nasabing kawani ng gobyerno dahil hindi sila nag-atubili na tulungan ang kababayan na nahihirapan.

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre