Trending Ang Larawan Ng Isang Astigin Na Lalaki Na Nakitang Bumibili Ng Napkin Sa Isang Convenience Store



Hindi karaniwan sa mga lalaki na makita silang bumibili ng sanitary pads o napkin dahil alam naman nating lahat kung para saan at para kanino ginagamit iyon. Ang ilan ay maaaring namamangha lang talaga sila o naninibago dahil bibihira lamang ang mga lalaki na mapakiusapan o mautusan na bumili ng mga ganitong gamit na pambabae.

Ang netizen na si E-v Delmundo ay nagbahagi ng isang larawan sa kanyang Facebook post na makikita ang isang lalaki na astigin, may tattoo sa kanyang katawan na nakunan na bumibili ng napkin sa isang convenience store habang nakapila para bayaran ito. 

Idinagdag pa ni Delmundo ang nakakatuwang caption na,

"Yung pa'astig astig kang tignan, tapos uutusan ka lang ng asawa mo na bumili ng napkin niya."

Makikita kasi na tila parang tinatago pa ng lalaki sa likod ang kanyang hawak hawak na sanitary pads kasama ang perang kanyang pambayad. 

Kinaaliwan naman ang post na ito ng mga netizens at nagbigay pa sila ng kani-kanilang opinyon tungkol dito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Yan ang totoong lalaki."

"That's awesome... Astig!"

"Yan si kuya, masunurin sa wife niya."

Pabiro naman na komento ng isang netizen,

"Yang ang tunay na TIGASIN. TIGA-saing, TIGA-laba, TIGA bili ng napkin."



Mukha mang astigin ang lalaki ay nautusan naman siyang bumili ng ganito. At para sa mga babae, malaki ang ibig sabihin nito. Napatunayan niya na mahal na mahal niya ang babaeng kanyang pinagbilhan nito dahil magmukha man siyang katawa-tawa sa ibang tao ay kanya pa rin itong ginawa. 

Kung tutuosin naman ay wala naman talagang masama kung ikaw na lalaki ay mautusan na bumili nito lalo na pa't kung kailangan na kailangan na talaga ng iyong asawa o nobya ito at wala ng ibang mauutusan. Hindi naman nakakababa sa pagkalalaki o sa pagiging mister kapag nautusan kang bumili nito. 

Sa ngayon ay umabot na ng 16K likes at 46K share ang viral na larawan.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!