Willie Revillame, Ipinasilip ang Php145 Million Halaga Niyang Bahay




Isa si Willie Revillame sa mga kilalang prominenteng hosts sa showbiz industry. Marami din ang nakaka alam kung paano umangat ang buhay ng aktor na ito mula sa kahirapan. Unang nag host si Willie sa "Wowowee" sa ABS-CBN mula 2005 hangang 2010 at lumipat sa TV5 kung saan nag karoon siya ng mga variety shows kagay ng Wowowee at pinamagatan itong "Willing Willie", "Will Time Bigtime", at "Wowowillie" mula 2010 hangang 2013.

Pagkatapos ng tatlong taong kontrata niya sa TV5, lumipat si Kuya Will sa GMA 7 at dinala ang kanyang programang "Wowowin". Hindi lang sa pagiging host at aktor nakilala si Willie dahil siya ay kilala din bilang isang mapag bigay na taong nangangailangan.




Ayon sa mga balita, binili ni Willie ang bahay na ito mula sa kanyang dating boss sa ABS-CBN na si Gabby Lopez sa halagang walong pung milyong piso (P80 million) at nag dagdag pa ito ng anim na pu’t limang milyong piso (P65 million) para ipa-renovate ang bahay. Ang kanyang P145 milyong pisong bahay ay malaking 2,300 square meters. Pinalagyan niya ito ng infinity pool, jacuzzi, garden, gym na may sauna, fish pond at guest house. May mga nag sasabi na ang kanyang pinagawang guest house ay parang kwarto sa isang first class na hotel. Kinuha niya si Ponce Veridiano, ang nag disenyo ng Greenbelt Gardens at isa sa mga pinaka sikat na landscape artist sa bansa upang mag disenyo ng kanyang hardin. 





Ito ang dining area ni Willie na may laking eight-seater na lamesa gawa sa Narra, Maxalto chairs mula sa B&B Italia at ang 2097 Chandelier. Samantala, puno ang kanyang kitchen ng mga appliances mula sa Thermador, isang brand na kilala bilang katiwa-tiwala. Ang kanyang kawarto naman ay may isang King size bed at 85 inch na flat TV. Ayon sa mga report, ang total floor area ng main house ni Willie ay may laking 700 square meters. Dito nilaan ng prominenteng aktor ang kanyang pinag hirapang pera.

Comments

Popular posts from this blog

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Damong Makahiya Ibinebenta Sa Ibang Bansa Sa Halagang Php400