Posts

Showing posts from December, 2019

Tinaguriang Grab Food Mom, Nag Viral Habang Inaalagaan ang Kanyang Anak sa Oras ng Trabaho

Image
Sa panahon ngayon, maraming mga kababaihan ang nag hahanapbuhay ng mga kinokonsiderang pang lalaking trabaho noon. Halimbawa, makakakita na tayo ng mga babae na nag tatrabaho bilang welder, laborer at truck drivers sa mga construction company. Kamailan lamang, maraming mga netizens ang pumuri sa isang babaeng tinawag nila bilang "GrabFood Mom" pag katapos na may makakita sa kanya na nag hihintay ng order sa labas ng Mcdonald's habang nag aalaga ng kanyang anak sa Bangsar, isang malapit na siyudad sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Suot ang kanyang helmet at GrabFood bag sa kanyang likod, naka sabit naman ang isang baby carrier sa kanyang harapan. Makikita pa sa larawan na may isa pang batang babae na nakatayo malapit sa kanya na isa pa pala niyang anak. Maraming mga netizens din ang nalungkot at namangha sa "GrabFood Mom" na ito at sinabing ang mga nanay na katulad niya ay ang mga totoong bayani dahil ginagawa nila ang kanilang makakaya para maitaguyod ang kanyang pam…

Doctor, Umani ng Papuri Dahil sa Pagkakaroon Lamang ng 100 Pesos Professional Fee

Image
Marami ang nakaka alam na ang mga doctor ay naniningil ng malalaking professional fee (PF) para sa kanilang serbisyo lalo na sa mga pribadong ospital. Makatwiran naman ang nag lalakihang bayad sa mga doctor dahil sila ay sumasagip ng buhay- at ang buhay ay hindi mabibili ng salapi. Nag viral ang isang doctor sa isang pribadong ospital sa Cebu City dahil sa pag singil lamang ng isang daang piso (Php100) para sa kanyang professional fee para sa kanyang pasyente kahit na anim na araw na siyang nasa ospital. Hindi makapaniwala ang mga netizens at naisip nilang baka may billing error lang ito ng clerk at baka nakalimutan lang niya lagyan pa ng dalawang zero ang total amount ng PF ng doctor.



Nag papasalamat ang pamilya ni netizen Febe Jean Oporto sa kanilang anghel na si Dr. Mercedes Mujeres dahil sinagip niya ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid at sinigil lamang sila ng napaka liit na halaga para sa kanyang PF. Dahil walang Philhealth account ang kanilang pamilya para mabayaran ang …

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, Nagkita at Nagkaroon Unexpected Reunion sa Palawan

Image
Sino ang makakalimot sa kahanga-hangang pagganap ng sikat na loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bilang sina Basha at Popoy? Maraming tao ang nakarelate sa kuwento at umaasa na ang dalawa ay muling magsama sa ilang serye sa telebisyon o mga pelikula. Ngunit habang undefinite si John Lloyd sa pagtatanghal sa industriya ng showbiz, tuwang-tuwa ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta na makita ang dalawang ito kamakailan sa Palawan.
Ang dating love team ay Nakita ng isa sakanilang mga taga-hanga sa Palawan. Ang kanilang mga larawan agad nag-viral sa iba't-ibang mga social media platform at nakakuha ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens. Ang mga larawan na kumalat ay kinuha at ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Virfe Fabul sa Simbahan, El Nido, Palawan.

Si John Lloyd at Bea ay naging tanyag na magkasama pagkatapos silang matambal noong 2007 sa hit movie na pinamagatang "One More Chance", din ito ay karugtong, "A Second Chance" …

Anak Ng Tindera Ng Isda Na Nag-Viral Noon, Lisensyadong Doktor Na Ngayon

Image
Noong Mayo nitong taon ay nag-viral ang istorya ng mag-ina na nagtitinda ng isda sa palengke dahil napagtapos niya ang kanyang anak na lalaki sa pagmemedisina. 
Ang nakakatuwa pa ay sariling itinaguyod ng ina ang anak sa kanyang pag-aaral simula noong naghiwalay sila ng kanyang asawa dahil nalaman niya na mayroong pala itong ibang pamilya. At simula noon ay walang ibinigay na tulong pinansiyal ang kanyang asawa. 
Sa higit na 20 taon na pagtitinda ng isda sa palengke ng ina na si Aling Nanita Ronquillo ay malaki talaga ang kanyang ginagawang sakripisyo sa kanyang anak upang maitaguyod lamang ang pag-aaral ng kanyang anak na si John Nico.
Umabot sa punto na ang kanyang anak ay nais na lamang huminto sa pag-aaral dahil naaawa na ito sa kanyang ina na madaling araw pa lang ay gumisiging na upang ihanda ang mga paninda sa palengke at minsan ay umaabot pa ng buong mag-hapon upang mapaubos lang ang paninda.
Pero patuloy pa rin si Aling Nanita at palagi siyang andiyan para supportahan ang ka…

Estudyanteng Walang Notebook At Nagsusulat Lamang Sa Dahon Ng Saging, Pinuri At Hinangaan

Image
Marami sa mga kabataang nagmula sa mahirap na pamilya ang nakakapag-aral ngunit wala silang gamit pang-eskwela tulad ng uniporme, lapis, libro, at notebook. Ngunit isa ito sa mga kailangan ng mga mag-aaral dahil ito ang kanilang laging ginagamit araw-araw.
Marami sa mga kabataan ang pumapasok na walang notebook dahil walang pambili ang kanilang pamilya, ngunit ang isang batang ito na mula sa Lianga National Comprehensive High School sa Poblacion, Lianga, Surigao del Sur ang nagpahanga hindi lamang sa kanyang guro kundi pati ang mga netizens.
Imbes na hindi siya magsulat dahil wala siyang notebook ay nagdala na lamang siya ng dahon ng saging sa eskwela at doon niya isinulat ang mga lectures ng kanyang guro.
Sa Facebook post ng kanyang guro na si Arcilyn Balbin Azarcon Lpt ay ibinahagi niya ang kanyang estudyante na nagsulat sa dahon ng saging.
Ayon kay Azarcon ay sinabihan niya ang kanyang mga estudyante na kunin ang kanilang mga notebook at kopyahin ang mga lesson na nasa kanilang pi…

Isang Parking Lot Nilagyan Ng Mga Kama Upang Matulugan Ng Mga Taong Walang Matuluyan Sa Gabi

Image
Marami sa mga taong walang bahay ay natutulog at tumitira na lang sa lansangan, sa mga kalsada, sa ilalim ng tulay at kung saan saan. Hindi madali ang kanilang sitwasyon na ito dahil ang kanilang buhay at kalusugan ay nadadala sa peligro lalo na't wala silang natutulugan na maayos na higaan. 
Minsan kapag malamig ang panahon ay pinangsasapin lang ang lumang dyaryo o karton at saka ilalatag na lang ito sa gilid ng kalsada na kung saan marami ang dumaraan pang mga sasakyan. 
Ngunit ang problema ng walang matitirhan ay hindi lamang pala problema dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa tulad ng sa Australia ay mayroon din silang mga kababayan walang natutuluyan sa gabi.
Kaya naman ang isang Australian charity na Beddown ay nagdesisyon na tulungan ang kanilang mga kababayan na nangangailan ng tulong. Nagkaroon sila ng ideya na kung saan ay naglaan sila ng mga kama o higaan para sa mga taong walang matulugan sa gabi.
Nagmula ang ideyang ito sa founder ng charity ng Beddown na si…

Viral Na Tindahan Na "7-Evelyn", Pinapatanggal Ng Store Manager Ng 7-Eleven

Image
Ang mga Pinoy ay mahilig na pagkatuwaan o lagyan ng twist ang pangalan ng kanilang mga negosyo. Minsan ay hinahango nila ito sa mga sikat na pangalan sa industrya kaya naman ang kinalalabasan ay kakaiba at minsan ay nakakatuwa.
Ngunit ayon sa Intellectual Property Code ng Pilipinas, mayroong karapatan ang mga establisyemento na maproteksyunan ang kanilang trademarks, trade-names, at service marks upang hindi ito makopya at magamit ng ibang negosyo.
Ang tindahan na ito sa Agusan del Norte na ibinahagi ng netizen na si Chad Gray Jet Pazaol sa kanyang Facebook account ay nag-viral lang kamakailan dahil ginaya ng may-ari ang disenyo ng sikat na convenience store dito sa Pilipinas.
Ngunit imbes na 7-Eleven ang pangalan ng sari-sari store ay ginawa nilang "7-Evelyn" na siya namang ikinatuwa ng mga netizens dahil maging ang trademark at kulay ay kanilang ginaya.
Ngunit matapos magviral ang larawan ay ilang araw lang ang nakalipas nang puntahan sila ng isang  manager ng 7-Eleven at…

Isang Lalaki, Nagtrabaho Bilang Kargador Para may Maibigay na Regalo sa Kaniyang Minamahal

Image


Sabi nga nila, "actions are better than words alone" at mas lalo mong mapapatunayan na mahal ka ng isang tao kung nakikita mo rin sa kanilang kilos ang mga salitang sinasabi nila sa iyo. Ang karamihan nga sa mga kababaihan ay mas gusto ang mga lalaking talaga namang kinakikitaan nila ng sipag at pagpupursigi sa buhay kaysa sa mga lalaking panay lang ang pagsuyo sa kanila sa pamamagitan ng pagpapa-pogi o di kaya naman ay mabulaklak na mga salita.
Isa na nga sa mga babaeng ito si Jezyll Cabudbud na kamakailan lang ay ibinahagi sa social media kung gaano siya ka-swerte sa lalaking napili niyang makasama.

Pauwi na siya noon galing sa paaralan nang maisipan niyang bisitahin ang kasintahan na si Steven San Juan sa sinasabi nitong 'part-time job' niya. Gusto niya rin itong sorpresahin lalo na at alam niyang magiging maganda ang araw nito masilayan lang ang kaniyang mukha.



"From school pinuntahan ko sya sa sinasabi nyang raket daw nya para kamustahin sya kase for sure pag …

Hindi Napigilan ng Lola na Umiyak Matapos Mag-boluntaryo ang 45 na Katao Para Ayusin ang Kaniyang Tagpi-tagping Bahay

Image


Ang mga matatanda ay minsang namuhay sa ating mundong ginagalawan kagaya ng ating ginagawa sa kasalukuyan at silang lahat ay may kanya-kanyang naging kontribusyon sa mundo. Kaya naman, ngayong sila ay hindi na kasinlakas tulad noong dati ay inaalagaan natin sila at binibigyan ng mga pribiliheyo upang makatulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. 
Sa panahon ngayon, bibihira na rin ang mga taong umaabot sa edad 80 at pataas dahil sa pagkakaroon ng iba’t-ibang karamdaman resulta na rin ng ating nakaugaliang paraan ng pamumuhay na nagsasanhi ng maagang pagpanaw.

Ang mga bansa sa bandang silangang Asya ay kabilang sa mga lugar kung saan mayroong mataas na porsiyento ng mga matatanda at sa katunayan, ang Taiwan ay nalalapit nang mapabilang sa mga listahan ng “super-aged societies” dahil sa taong 2025 ay malamang tumaas pang lalo ang bilang ng kanilang mga matatanda ng 20 porsiyento. 
Ang gobyerno ay kadalasang may nakalaan na pondo para sa pagbibigay suporta sa mga senior citizens nguni…

Mga Pulis Nagtulong Tulong Upang Maitayo Ang Bahay Ng Isang Lola

Image
Nakakataba ng puso ang makita ang bawat isa sa atin na nagtutulungan at walang hinihinging kapalit. Nakakainspire rin ang mga istorya ng mga taong nagpapakita ng malasakit lalo na sa mga kapwa natin na kapus palad.
Ibinahagi ng isang Facebook page na I Love PNP ang pagtutulungan ng mga kapulisan ng Ilocos Norte na maitayo ng isang bahay para sa isang 98 taong gulang na lola. Sanib-pwersa ang mga pulis ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 mapa-babae man o lalaki na mabuo ang munting tahanan ng kawawang lola.
Ayon sa I Love PNP, nagsimula ang pagtulong sa pagbibigay lang ng konting groceries hanggang mapansin ito ng mga netizens sa social media. Ito ang naging daan upang sila ay makalikom ng halaga upang matulungan ang kalagayan ng matanda.
Sila-sila rin ay nag-ambagan para mabigyan ng maayos na tahanan si Lola Celerina na sa kanyang edad ay nakakapagpahinga na dapat sa isang ligtas na tahanan.
Ang nakakatuwa pa sa ginawa ng mga kapulisan ay hind…