82-Taong Gulang na Nagtitinda ng Balut, Natulungan ng Isang YouTuber at Binigyan ng Pamasko!






Parami na ng parami ang mga netizens na nahuhumaling sa paggawa ng sarili nilang YouTube account lalo na at napatunayang malaki ang maari mong kitaing pera sa social media platform na ito. Ang ilan nga sa ating mga kababayan ay iwto na ang ginagawang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay samantalang ang ilan naman ay ginagamit ito para mas marami pa silang matulungan na mga nangangailangan. 

Isa na nga dito ang YouTuber na kilala ng mga netizens bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer'. Hindi na nga mabilang ang mga natulungan niya at kamakailan lang ay isang 82-taong gulang na nagtitinda ng balut ang nakatanggap ng maagang pamasko mula sa kaniya. 


Ang matandang ito ay nakilala bilang si Lolo Fernando. Mag-isa nalang siya sa buhay at matagal na ring hindi nakikita ang kaniyang mga anak. Halos 50-taon na din niyang hanap-buhay ang pagtitinda ng balut at ito rin ang naging instrumento para maitaguyod niya ang kaniyang pamilya. Sa kabila nga ng katandaan ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatrabaho dahil wala na rin siyang ibang maasahan. 



Sa kabutihang palad ay nagtago ang landas nila ng nasabing vlogger at dahil dito ay nabigyan muli ng kulay ang kaniyang buhay. Ipinasyal siya nito at ibinili rin ng ibang mga gamit kagaya ng damit at sapatos. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na magkausap at talaga namang namangha si 'The Hungry Syrian Wanderer' sa tapang at lakas ni Lolo Fernando sa pagharap nito sa hamon ng buhay. 


"He is a strong man and inspiration, and I mean strong physically! He never had medicines for maintenance like most people his age supposed to have sana. He doesn't have a budget for those. Marami siya resera pero hindi niya nabibili. I made a commitment na I will fund his maintenance on a monthly basis, atleast to prolong his health," pagbabahagi ng vlogger.


Talaga namang na-inspire 'The Hungry Syrian Wanderer' sa kwento ng buhay ng matanda kaya naman minabuti niyang ibahagi rin ito sa kaniyang mga subscribers. Nag-iwan rin siya ng maikling payo at paalala kung papaano natin dapat pakitunguhan ang mga nangangailan at matatanda sa ating komunidad. 



"People like lolo ang masarap makilala at makakuha ng aral sa buhay. Guys, apprecite your parents esp grandparents. Alagaan niyo sila, they give the most unconditional love and for lolo Fernando to even remember my name on our 2nd met mean a lot to me. he remembered my name nung binalikan ko siya after a few days after I first met him, I was flattered to think he doesn't remember people who sometimes goes to him #faithinhuminity #PayItForward." 


Ikaw, anong maari mong magawa para maipadama ang iyong pagmamahal sa mga taong nakakatanda?

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse