89-Anyos na Lola, Nagbebenta Ng Basahan Para sa Kaniyang Mga Apo




Naantig ang damdamin ng mga netizen matapos ibahagi ng isang netizen ang isang lola na kumakayod pa rin sa kabila ng kanyang edad. Upang mas marami pang tumulong, naisipan ng isang concerned citizen na si Kathrina na i-post online ang larawan ni Lola Porferia aka Lola Ibyang habang nagbebenta ito ng basahan sa kahabaan ng Daang Hari SB malapit sa T-intersection sa Commerce Ave, Alabang.

Ayon kay Kathrina, ang lola ay may edad na 89 years old na ngunit ito ay nagsusumikap parin upang may maipakain sa kaniyang mga apo. Simula noong 2015 ay kilala na umano niya si Lola. Kaya naman umaasa siya na sa pamamagitan ng kanyang post ay mas marami pang tumulong kay lola at magpaabot ng kahit munting tulong man lang dahil magpapasko.





Hinikayat ni Kathrina na kung maaari at mapadaan ang mga netizen sa kinaroroonan ni lola, ay sana ay bumili sila ng basahan sa halagang P100. Ayon sa kaniya, maaari ring kumustahan nila si lola at tiyak mapapasaya na nila ito. Si lola daw ay nasa Daang Hari SB ilang metro lang ang lampas sa Commerce Ave mula 2pm hanggang 5pm. Bente pesos lang ang tubo ni lola.

Ayon kay Kathrina, nag-private message daw siya kay The Hungry Syrian Wanderer aka Basel noong nakaraang buwan pa upang tulungan si Lola Ibyang. At sa wakas, tumugon umano sa kanya ang vlogger. Hinikayat ni Kathrina ang mga netizen na huwag husgahan ang pamilya ni Lola Ibyang. Dagdag pa niya, tumulong na lamang ang gustong tumulong at huwag ng batikusin pa ang pamilya ni lola.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Kasambahay na Pinag-aral ng Kaniyang Amo, Nakapagtapos ng Cum Laude