Aerial View Ng Luneta Park Na Kuha Sa Isang Drone, Kinamanghaan Ng Mga Netizens


Ang Rizal Park o mas kilala sa tawag na Luneta ay isang historical park na matatagpuan malapit sa Roxas Boulevard, Manila at sa Intramuros. Ito ay isa sa mga pinakamakasaysayang lugar dito sa Pilipinas.

Sa mga nagdaang panahon maging hanggang ngayon ay naging paboritong pasyalan at tambayan na ito ng mga tao. May mga pagkakataon pa nga na dito na nagtitipon-tipon ang mga pamilya upang magbonding tuwing kaPaskuhan o di kaya tuwing bagong taon.

Ngunit dahil sa patuloy na pagunlad ng lungsod, ay nagiging crowded na ang lugar at mayroong ibang mga establisyementong nais nang magtayo ng kanilang mga gusali malapit sa parke. 

Sa larawan na ibinahagi ng isang photographer na nakilala bilang si Jer Sandel sa kanyang Facebook account ay naipakita niya kung gaano kaganda ang Luneta ngayon. Naibalik kasi nila ang kagandahan nito na dati ay malapit ng masira dahil sa mga nagkalat na mga basura at kapabayaan ng mga bumibisita rito.

Nakuha ang larawan sa pamamagitan ng isang drone sh0t na kung saan naipakita ang aerial view ng parke. Angat ang kulay asul na tila fountain na kung saan nakasagisag ang mapa ng Pilipinas. Makikita rin ang mga punong nakapaligid sa park na talaga namang nakaka-refresh sa mata.

Maging ang photographer ay namangha sa kuha ng kanyang drone at di inakala na ganoon pala talaga kaganda ang Luneta.

Caption niya,

"LUNETA DAZE. It was quite a surprise to see Rizal Park this beautiful from above. The area stands out as an urban oasis in the world's most densely-populated city. All those greens complementing the soft hues of Manila Bay and its famous sunset make for such a remarkable sight.

Let's hope and pray it survives the onslaught of commercial development. Looks like it's putting up a good fight, just like the national hero it's named after."

Kung patuloy lang na mapapangalagaan ang parke na ito at matatamnan pa sana ng mas maraming puno, ay maaaring maging kagaya ito ng Central Park sa New York, tila isa kagubatan sa gitna ng maraming gusali at mataong siyudad.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre