Anak ng Mangingisdang nag Top 2 sa LET Board Exam, Ipinasilip ang Kanyang Bagong Bahay



Nag viral si Iah Bantang Seraspi pag katapos niya maging pangalawa (2nd) noong September 2015 Licensure Exam for Teachers (LET), hindi dahil sa kanyang mataas na grado na natanggap ngunit dahil siya ay isang anak ng mangingisda na hindi siya kayang pagtapusin ng pag aaral. Maraming mga netizens ang namangha dahil hindi siya napigilan ng kakulangan sa pera upang makapag aral at makapag top 2 sa board exam.

Marami ang napukaw sa kanyang istorya at determinasyon na makapag tapos ng pag aaral kahit na may problema silang pang pinansyal. Humanga din sa kanya ang mga netizens dahil imbes na gamitin ang kanyang naipong pera para sa kanyang mga luho ay ibinili niya ito ng isang projector para sa kanilang simbahan.




Makalipas ang ilang taon, nag diwang si Iah ng kanyang ika 25 na kaarawan at nag bahagi ng larawan ng kanyang bagong bahay. Isa itong napaka laking improvement mula sa bahay kubo nilang tinitirhan ng kanilang pamilya noon.  Kahit na siya ay naging top 2 noong 2015 licensure exam para sa mga guro, ibinahagi nito na hindi siya nag trabaho bilang isang guro sa isang eskwelahan katulad ng inaasahan ng marami. Sa halip, siya ay nag trabaho sa Carl E. Balita Review Center (CBRC) na pinapasalamatan niya dahil ito ang tumulong sa kanya para mag tagumpay noong nakaraang board exams. Madaming mga opotunidad ang nag bukas sa kanya noong nag top 2 siya sa board exam ngunit mas pinili niya ang oportunidad na alam niyang makakappag bigay at makakapag hatid sa tagumpay. 


Hindi pa rin makapaniwala si Iah sa mga blessings na nakanyang natanggap katulad ng bahay na pinapangarap ng kanyang pamilya noon. Ang bago nilang bahay ay nag tatayo bilang isang paalala ng panginoon noong nangangarap pa lamang siya. May mga naririnig siyang mga salita na nag sasabing siya ay makasariling tao dahil mas pinili niyang mag trabaho sa CBRC sa halip na mag turo siya sa isang pang publikong paaralan ngunit wala naman siyang mga panghihinayang sa kanyang mga desisyon dahil mas pinili niya maging praktikal at mas mangarap ng malaki dahil ito ang pangarap sa kanya at pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog