Anak Ng Tindera Ng Isda Na Nag-Viral Noon, Lisensyadong Doktor Na Ngayon



Noong Mayo nitong taon ay nag-viral ang istorya ng mag-ina na nagtitinda ng isda sa palengke dahil napagtapos niya ang kanyang anak na lalaki sa pagmemedisina. 

Ang nakakatuwa pa ay sariling itinaguyod ng ina ang anak sa kanyang pag-aaral simula noong naghiwalay sila ng kanyang asawa dahil nalaman niya na mayroong pala itong ibang pamilya. At simula noon ay walang ibinigay na tulong pinansiyal ang kanyang asawa. 

Sa higit na 20 taon na pagtitinda ng isda sa palengke ng ina na si Aling Nanita Ronquillo ay malaki talaga ang kanyang ginagawang sakripisyo sa kanyang anak upang maitaguyod lamang ang pag-aaral ng kanyang anak na si John Nico.

Umabot sa punto na ang kanyang anak ay nais na lamang huminto sa pag-aaral dahil naaawa na ito sa kanyang ina na madaling araw pa lang ay gumisiging na upang ihanda ang mga paninda sa palengke at minsan ay umaabot pa ng buong mag-hapon upang mapaubos lang ang paninda.

Pero patuloy pa rin si Aling Nanita at palagi siyang andiyan para supportahan ang kanyang anak sa pag-aaral. Siya rin mismo ang nagbibigay ng motibasyon sa kanyang anak na pagbutihin pa lalo ang pag-aaral.

Alam ni Nico na hirap na hirap na ang kanyang ina sa pag-titinda kaya sira rin ay humanap ng paraan upang matulungan ang kanyang ina at para matustusan ang kanyang pag-aaral.

Pero ang lahat nang ito ay tiniis ni Aling Nanita dahil ang nais lang niya ay maabot ng kanyang anak ang kanyang pangarap na maging isang doktor at maging matagumpay sa kanyang buhay. 

Ngunit ang pagtutulungan naman ng mag-ina ay nagbunga nang makapagtapos ang kanyang anak na si Nico sa pag-aaral ng medisina. Isang malaking bagay na para sa isang magulang ang mabigyan ng magandang kinabukasan at maayos na edukasyon ang kanyang anak.

Pero ang mas lalong ikinatuwa ng mag-ina ay noong makapasa sa Physicial Licensure Exam noong Setyembre 2019 ang kanyang anak. Ang lahat ng kanilang pagod, puyat, at pag-sasakripisyo ay nagbunga at naging matagumpay na talaga namang nakaka-inspire.


Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya