Batang Babae na Walang Sapatos, Nanalo ng 3 Gintong Medalya sa Iloilo Sports Council Meet




Isang dalagitang runner ang kinabiliban ngayon ng lahat matapos manalo ng tatlong gintong medalya sa ginaganap na Iloilo Schools Sports Council Meet. Nasungkit ni Rhea Bulos na taga Balasan, Iloilo ang tatlong medalya kahit na walang suot na sapatos. Patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa taong nagpupursige.

Maraming netizen ang namangha dahil tanging makeshift “Nike” shoes lamang ang sapin sa paa ni Rhea. Isang improvised shoes ang kanyang gamit kung saan nilagyan niya ng plaster ang paa bilang proteksyon at ginuhitan rin ng Nike logo. Ang batang pinay athlete ay wagi sa 400m dash ELem Girls, 800m run Elem Girls, and 1500m run Elem Girls. Pinuri ng mga netizen si Rhea dahil sa kanyang katatagan ay nakaya niyang magsuot ng walang sapatos.




Hindi talaga masusukat ang tagumpay sa mga mamahalin o branded pa na bagay. Nasa determinasyon at pagpupursige ito nakukuha. Kahit na ang kahirapan ay hindi rin hadlang sa taong may pangarap at pinatunayan nga ito ni Rhea. Samantala, maraming netizen ang naantig at nais magpaabot ng kanilang tulong. Nais nila mabigyan ng sapatos si Rhea na kanyang pwedeng magamit sa susunod na patimpalak.

Maraming mga netizens ang nais magbahagi ng kanilang tulong sa bata na hinihingi pa nila ang detalye nito upang padalhan ng bagong pares ng sapatos. Ang pagpapakita daw nito ng dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon upang suportahan ang mga atleta na maaring magbigay ng pag asa para sa ating susunod na henerasyon. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class