Batang Estudyante, Nag-Viral Dahil Sa Pagsulat Sa Kanyang ‘Banana Leaf’ Notebook




Sa modernong panahon ngayon, hindi aakalain ng lahat na may gagamit pa ng dahon ng saging para gawing notebook. Sa ibinahaging post ng isang guro tungkol sa kanyang estudyante, napabilib si teacher Arcilyn Balbin Azarcon Lpt rito dahil nakaisip ng ibang pamamaraan ang kanyang estudyante para lang makapagsulat. Si Ma’am Azarcon ay kasalukuyang nagtuturo sa Lianga National Comprehensive High School in Poblacion, Lianga, Surigao del Sur.

Ayon sa kaniya, ipinasulat niya sa notebook ng mga bata ang nasa pisara at iche-check ito pagkatapos. Habang kanya-kanyang nagsusulat sa kanilang notebook ang mga bata ay may isang estudyante ang pumukaw sa kanyang atensyon dahil ang gamit na notebook ng batang lalaki ay dahon ng saging. Nang isa-isa ng naglapitan ang mga bata upang ipasa ang kanilang mga notebook ay lumapit naman ang batang lalaki at nakiusap sa guro.





Ayon sa bata, nais nitong magkapoints sa eskwelahan kaya naman naging malikhain ito na magsulat sa dahoon ng saging dahil wala itong notebook. Natuwa naman sa kanya ang guro dahil sa kanyang abilidad at naisipan niyang gamitin ang dahon ng saging bilang notebook. Hindi lahat ng bata ngayon ay nanaising gumamit ng dahon sapagka’t ilan ay nahihiyang makantyawan.

Paghihikayat naman ni teacher Azarcon sa lahat ng estudyante na magbigay panahon magsulat sa kanilang notebook. Hindi porke’t may mga gadget na ay magiging tamad na rin magsulat. Kadalasan kasi ngayon sa panahon na ito ay puro pagpipicture na lamang ang ginagawa ng mga estudyante at tinatamad ng magsulat. 


Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!